LADY SOLON, NILAYASAN NG MEDIA STAFF!
Taliwas sa ipinapakitang kabaitan sa publiko at media, ang kagaspangan sa pag-uugali at pagiging primadonna ang pangunahing rason kung bakit nilalayasan ng mga staff ang isang lady solon.
Sa pinakahuling impormasyong nakalap ng Tonite Spy, isa pang media staff ng lady solon ang nag-resign, hindi dahil kuripot at below minimum wage kung magpasahod ang mambabatas kundi napakasalbahe sa mga tauhan.
Hindi nag-iisa sa hanay ng mga mambabatas ang isang lady solon na naunang binansagang matapobre sa mga tauhan dahil mas masahol ang kasamahan, patunay ang sobrang perfectionist gayong kaliwa't-kanan ang ginagawang sablay sa media.
Bago pa man nag-resign ang media staff, ilang beses nang nilayasan ng tauhan ang lady solon at hindi mabilang sa daliri ang mga media relation officers (MRO) dumaan sa kanyang kamay, as in hindi tinapos ang kontrata dahil napaka-plastik ng kanilang amo.
Kapag nakaharap sa camera , animo'y hindi makabasag pinggan ang lady solon sa sobrang kabaitang ipinu-project sa publiko at napakahilig makipagbeso-beso sa mga kauring pulitiko o personalidad upang magmukhang lovable ito.
Sakabila ng tumataas na unemployment rate, mas pinili ng media staff ng lady solon ang mag-resign keysa araw-araw itong sinisinghalan at sinisita ng mambabatas kapag hindi nakapag-deliver sa media, katulad ang pagpapalabas ng media releases nito.
Ang nakakasuka sa lahat, inaaway ng lady solon ang media staff kapag negatibo ang balitang nababasa sa pahayagan laban sa kanyang opisina kung saan direkta pang isinisisi sa mga tauhan ang kasalanan gayong wala naman kontrol sa mga naglalabasang kritisismo at pagbatikos sa kanilang amo ang mga ito.
Sa dami ng kapalpakan ng lady solon at bara-barang desisyon kaya't pinuputakte ng kritisismo sa media, hindi natagalan ng isang media staff ang hirap na dinaranas sa kamay ng mambabatas lalo pa't inaalipusta ang kakayahan, maging ang eskuwelahang pinagtapusan.
No comments:
Post a Comment