Thursday, July 10, 2008

july 10 2008 spy on the job column

IBOYKOT ANG SULPICIO LINES!

Isang malaking katanungan kung ano sa buhay ni senador Edong Angara si ex-UN envoy Lauro Baja, aba’y napaka-emotional nang ‘bespren’ ni Loren Sinta sa kasong exploitation isinampa ng isang Pinay maid sa Amerika. Ang tanong: 24/7 bang ka-jamming ni Angara si Mang Lauro, sampu ng asawa at anak para malaman kung anong aktibidades ng dating opisyal, eh wala naman sa loob ng Bahay ni Kuya para natutukan ng camera?

Sa isang ‘honorable person’, nasaan ang pagtitiwalang ibinigay kay Angara ng humigit-kumulang sa 12 milyong Pinoy noong 2007 election, aba’y iisang tao ang pinaniniwalaan ng bespren ni Loren Sinta at hindi man lamang tinanong ang Pinay maid na kumakatawan sa milyon-milyong OFW’s na nangibang-bayan dahil walang oportunidad sa Pilipinas bago hinusgahan!

Ni sa panaginip, ayokong isiping frustration ni Angara ang magkaroon ng sariling publication. Mantakin nyo, tinuturuan si Letty Magsanoc ng Inquirer sa pagpili ng banner story. Ang sabi ni Edong ‘ Sana hindi na binigyan ng publicity ang ganoong klaseng habla sapagkat di naman extraordinary yung hablang yon at sana hindi pino-frontage yan at unang-una bago ipalabas sa media kasabay na rin ang paliwanag ni Ambassador Baja’. Aba’y kailan pa naging publisher at editor-in-chief si Angara ?

@@@

Ibinaba ng ABS-CBN, Channel 2 ang tatlong (3) buwang suspension laban kay Ms. Ces Orena-Drilon. Ang rason: nilabag ng lady reporter ang panuntunan ng istasyon-ito’y may kinalaman sa Jolo Sulu coverage kaya’t dinukot ng bandidong Abu Sayyaf. Sa memo inilabas ni ABS-CBN and Current Affairs chief Maria Ressa, malinaw ang katagang ‘accountable for the grave consequences of her error in judgment’ laban kay Ms Drilon.

Ang tanong ng mga kurimaw sa Dian St., Brgy. Palanan Makati City, sampu ng namakyaw ng sim card sa Greenhills, anong aksyon ang gagawin ni SP Manny Villar sa bespren ni Angara-si Loren Sinta lalo pa’t nakialam sa negosasyon at inaming ‘contact’ nang mag-amang Isnaji na itinuturong ‘mastermind’ sa Drilon kidnapping. Kaya bang suspendehin ng 3-months ni Pia Cayetano-Sebastian bilang chairperson ng ethics committee si Loren Sinta? Take note: mismong lady solon ang nagkumpirmang isang Chinese businessman ang umareglo ng P15 milyon. Sobra naman yatang galante nang ‘friend’ ni Mam Loren, baka puwedeng makilala ng mga taga-Sibuyan Romblon baka sakaling maambunan ng relief goods ang mga ito!

@@@

Napag-usapan ang mga residente ng Sibuyan Romblon, anong ginagawa ng humigit-kumulang dalawampung (20) ‘Romblomanon mediamen’ naka-base sa Metro Manila para kalampagin ang Sulpicio Lines, sampu ng government officials naka-puwesto sa Malacanang. Nakakalungkot isipin, ginagawa na ngang timawa ang probinsiya sa relief goods at financial assistance, wala pa rin pumipiyok laban sa Sulpicio Lines.

Kung mga kurimaw ang tatanungin, hindi sapat ang kasong isasampa ni San Fernando Mayor Naneth Tansingco sa Sulpicio Lines kundi dapat hinahagisan ng dimata tuwing dadaan ng Sibuyan Island at ipakain sa pating ang mga dispalinghadong tauhan upang magtanda. Ang masakit, pagkain ng preso ang ipinadalang relief goods ng Sulpicio Lines- ito’y insulto sa aking mga kababayan gayong makakain ng sariwang isda kundi sumadsad ang kanilang barko sa bahura dahil sa katangahan ng kapitan!


No comments: