Wednesday, July 2, 2008

hulaan blues july 1 issue abante tonite

NANAY NG SENADOR, NAGWALA SA LOBBY NG MALL!

Bagamat ipinagmamalaki ang pagiging miyembro nag alta-sociodad, katulad ng mga naglalabasang report sa blog, hindi maitatago pagiging butangera at kawalan ng breeding ng ina ng isang miyembro ng Upper House matapos magwala sa mall.

Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano mag-ala Dina Bonavie sa pelikulang ‘Ang babaing nawawala sa sarili’ ang ina ng bagitong senador matapos magwala sa mall at pagdiskitahan ang mahabang pila ng mga sasakyang sumusundo sa entrance lobby.

Naganap ang pagwawala ng ina ng bagitong senador sa Town Center, Alabang Makati City noong Hunyo 30, araw ng Lunes, ganap alas 5:30 ng hapon matapos mairita sa mahabang pila ng mga service vehicles na sumusundo sa entrance lobby.

Bago nagwala ang ina ng bagitong senador, apat (4) na sasakyan ang nakapila sa harapan ng kanyang service vehicles upang sumundo sa kanilang amo kung saan hindi nagustuhan ang mabagal na daloy ng trapiko.

Isa sa pinag-initan ng ina ng bagitong senador ang unang sasakyan sa entrance lobby kung saan lingid sa kaalaman nitong service vehicles ng isa sa kasamahang mambabatas ng kanyang anak sa Upper House.

Ipinagtataka naman ng mga kurimaw sa lobby ng Town Center kung bakit kailangang magwala at magmumura ng ina ng bagitong senador gayong tatlo (3) pang sasakyan ang nasa harapan ng kanyang service vehicle na dapat nitong pag-initan dahil naka-balandra sa entrance lobby.

Ang matinding revelation sa lahat, nagawa pang pagsalitaan ng masama o pagmumurahin ng ina ng bagitong senador ang may-ari ng unang sasakyan gayong driver ang may dala nito.

Hindi pa nakuntento ang ina ng bagitong senador, ito’y bumababa sa sasakyan at pinagmumura ang amo ng driver kung saan hindi inalintana nitong misis pala ng isang senador ang sinusundo ng driver.

Kahit nakilala ang may-ari ng sasakyan, tuloy pa rin ang ginawang pagmumura ng ina ng bagitong senador, katulad ng mga katagang ‘fuck you’ subalit hindi pinatulan ng misis ng isang senador dahil halos kasing-edad ng nanay nito.

Pinagtitinginan sa entrance ng Town Center ang ina ng bagitong senador dahil mistulang reyna itong nais latagan ng red carpet at takot mapawisan gayong tatlong (3) dipa lamang ang layo ng kanyang sasakyan sa lobby.

Pagkababa ng sasakyan, inihagis pa ng ina ng bagitong senador ang pintuan at nagtatalak habang naglalakad papasok ng Town Center habang pakumbaba naman humingi ng dispensa ang misis ng isang senador kahit wala naman kinalaman sa pag-init ng ulo ng nabangit.

Clue: Kilalang personalidad ang misis ng kasamahang senador at napa-martir na kabiyak habang kontrobersiyal ang bagitong senador kaya’t pinagduduhang nag-init ang ulo ng ina lalo pa’t namimiligrong matalo sa kaso ang anak nito. Meron letrang ‘V’ sa kabuuan ng pangalan ang ina ng bagitong senador habang mas mataas sa excellent ang name ng neophyte solon.

No comments: