Sunday, July 20, 2008

hulaan blues july 19 2008 issue abante tonite

PRESIDENTIABLE 'NAPASUKAN' NG DATING ADIK (part 2)


Hindi simpleng kuwento ang pagpasok ng isang dating adik sa kampo ng presidentiable matapos madiskubreng madalian ang pag-upo bilang chief of staff (COS) ng Communication Group (Com-Group), kapalit ng nagbitiw na tauhan nito.


Sa report nakalap ng Tonite Spy, bago naibigay ang posisyon sa dating adik, kapalit ni ex-Undersecretary (Usec) nagsilbing chief of staff ng Com-Group, isang dating media handler ng incumbent cabinet Secretary ang kinausap ng presidentiable at inalok ang naturang posisyon.


Kung kalidad ng trabaho ang pag-uusapan, mas mahusay ang dating media handler ng isang Secretary kumpara sa dating adik na nagsilbing opisyal din ng Malacanang lalo pa't hindi nasangkot sa anumang eskandalo, katulad nangyari sa nabangit kung saan nakumpiskahan ng marijuana sa paliparan.


Bago naibigay ang posisyon sa dating adik, inalok ng P100 libong sahod ang dating media handler ng gabinete na kadalasang inu-offer sa mga magsisilbing timon sa special operation, as in minimum at standard ang presyo nito.


Bagamat mabababa ang alok, tinanguan ng dating media handler ng gabinete subalit nagmistulang kantang 'spaghetti' dahil bumababa sa P50 libo kada buwan ang offer ng presidentiable kung saan tinanggap pa rin ang trabaho hanggang tuluyang nauwi sa P30 libo.


Nang bumababa sa P30 libo ang buwanang sahod, nainsulto ang dating media handler ng gabinete kayat tinanggihan ang trabaho lalo pa't barya-barya lamang ang presyo at pang-consultancy ang arrive ng trabaho gayong magsisilbing chief of staff ng Com-Group ito.


Hindi maiwasang pagduduhan ng mga kurimaw na ginawang batayan ng presidentiable sa pagpili ng tauhan ang katungkulan ng dating adik bilang ex-Undersecretary (Usec) sa Malacanang, katulad din ng nag-resign nitong chief of staff na anak ng kilalang lider sa Upper House kung kaya't mas pinaboran ang kumag keysa media handler ng gabinete.


Ang masakit sa panig ng dating media handler ng gabinete, higit pa sa P100 libong sahod kada buwan ang ibinigay sa dating adik, sa pamamagitan ng isa pang nagsilbing gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ngayo'y nasa kampo ng presidentiable.


Clue:Kung ano ang hatol presidentiable sa bagong chief of staff ng Com-Group at kung sino ang mga karakter sa tagpong ito, abangan sa Lunes ang karugtong. (www.mgakurimaw.blogsot.com).

No comments: