Kabaliktaran sa ipinapakitang tapang ng apog at angas ng pagmumukha laban sa oposisyon, maging sa mga kalabang pulitiko at kritiko ng kanilang amo, dalawang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang umakyat hanggang leeg ang dalawang itlog matapos magkaaberya ang lipad ng sinasakyang eroplano.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, halos lahat ng kilalang santo ng dalawang gabinete ni Mrs. Arroyo ay nasambit ng mga kumag matapos makaranas ng matinding turbulence habang kasagsagan ang paglipad ng sinasakyang eroplano pabalik ng Maynila.
Bago nakitaan ng kaduwagan ang dalawang gabinete ni Mrs. Arroyo, nagtungo sa Mindanao ang Pangulo, kasama ang lahat ng matataas na opisyal ng MalacaƱang at heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Nang bumalik sa Maynila ang buong delegasyon, iisang eroplano ang sinakyan ng mga gabinete at ilang heneral, kasama ang dalawang kampon ni Mrs. Arroyo na kilalang mortal enemy ng oposisyon at mga kritiko ng Pangulo.
Sa kasagsagan ng biyahe, nakaranas ng matinding turbulence nang mapadaan sa parte ng Visayas region at halos ibinabalibag sa ere ang eroplano sa lakas ng air pocket dala ng nakaambang pagpasok sa Pilipinas ng isang bagyo.
Humigit-kumulang dalawang minutong nagkaroon ng air turbulence kung saan pakiramdam ng mga pasahero’y babagsak ang eroplano. Sa loob ng dalawang minuto, lahat ng pasahero’y nagsisigawan dala ng matinding takot na maaaring katapusan ng kanilang buhay. Halos nasambit ng lahat ng mga heneral na nasa likurang bahagi ng eroplano ang mga kakilalang santo subalit nakakatawa ang nangyari sa dalawang gabinete na namutla habang nakakunyapit sa upuan ang mga ito.
Ang matinding eksena sa lahat, mistulang iniluwa ng malaking sawa ang dalawang gabinete dala ng matinding takot at makalipas ang turbulence, tagaktak sa pawis at sangkaterbang sign of the cross at pasasalamat sa Diyos ang nasambit ng mga ito.
Clue: Mahilig gumawa ng drama ang dalawang gabinete para mailihis ang eskandalo ni Gloria at kapwa rin nagtaksil kay Estrada. Higit sa lahat, parehong meron letrang ‘N’ sa kabuuan ng apelyido ang dalawang gabinete, as in napakahalaga sa pagka-agnas ng lupa at tunog-bebot ang palayaw ng kasamahan na isinusumpa ng mga junior officers. Kahit itanong n’yo pa kay Sen. Sonny Trillanes IV.
(www.mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment