Wednesday, July 16, 2008

hulaan blues july 16 2008 issue abante tonite

Presidentiable ‘napasukan’ ng dating adik (Part 1)


Hindi na nga magawang makaangat sa survey, mas lalo pang nanganganib ang presidential ambition ng isang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso matapos ‘mapasukan’ ng isang dating adik sa pagpapatakbo ng opisina nito.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, inarkila ng isang presidentiable ang serbisyo ng isang dating opisyal ng Malacañang, kapalit ng nagbitiw nitong chief of staff sa Communication Group (Com-Group).
Unang nagbitiw ang chief of staff (COS) sa Com-Group ng presidentiable subalit pinabalik sa puwesto matapos maintrigang malapit nang bumigay o mawasak ang presidential bid ng mambabatas lalo pa’t nagkakawindang-windang ang operasyon.
Nang bumalik sa poder ang chief of staff, lalo pang lumala ang problema ng presidentiable dahil nakikialam ang magulang, at kapatid, maging karelasyong bebot kung kaya’t nagdesisyon itong ‘nagbalik-probinsya program’ bilang preparasyon sa pagtakbong alkalde sa kanilang munisipalidad.
Ang masakit sa panig ng presidentiable, isinusuka ng mga mediamen ang taong ipinalit sa nagbitiw nitong chief of staff, patunay ang pagkakasita sa airport patungong probinsya matapos makumpiskahan ng marijuana, ilang taon ang nakakaraan.
Bago pa man pumasok sa Malacañang ang bagong chief of staff sa Com-Group ng presidentiable, ito’y nakumpiskahan ng marijuana sa bulsa habang pasakay ng eroplano at pinakiusapan lamang ng isang dating senador na ngayo’y nakaupo sa anti-drug agency ang airport police kung kaya’t inabsuwelto lalo pa’t dating kagawad ng media ang kumag.
Maliban sa pagiging dating adik, maraming mediamen o reporter ang nakasamaan ng loob sa iba’t ibang isyu at ‘pagkakataon’ ang bagong chief of staff sa Com-Group ng presidentiable kung kaya’t napakalaking adobe sa presidential bid ng solon ang kumag, as in lalo pang inilagay sa kumunoy ang palubog nitong imahe.
Clue: Magkapareho ang posisyong pinagmulan sa Malacañang ng nagbitiw na chief of staff, maging ang pumalit dito. Abangan ang karugtong sa Sabado at alamin kung sino ang mga pinagpiliang chief of staff. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: