Monday, September 1, 2008

sept 1 2008 abante tonite issue

Boy Kornik naging galante sa b-day party
(Rey Marfil)

Kung anong kunat sa nagdaang taon, katulad ang ginawang pagpapa­kain ng mais sa kanyang birthday party, nagbabagong-bihis ngayon ang tinaguriang ‘Boy Kornik’ ng Mataas na Kapulungan matapos maging galante at magpabaha ng pagkain sa Media Center.
Sa pinakahuling birthday celebration, nasaksihan ng Tonite Spy kung paano nagbabagong-anyo ang kunyong senador, patunay ang malaking piging na ibinigay sa Senate reporters taliwas sa mga nagdaang panahon kung saan ‘paiyakan’ kung makapag-isip itong maghanda sa kanyang kaarawan.
Maliban sa pagbaha ng pagkain sa Senate media at birthday celebration, kasama ang buong kapamilya, ilan pang hiwalay na paggunita sa kanyang kaarawan ang inisponsoran ng kunyong senador, katulad ang party sa mga kaibigan at tauhan kaya’t maraming nagulat sa pagiging galante ng kumag.
Bilang patunay sa pagbabagong-anyo ni Boy Kornik, wala na rin nagbabantay sa litsong baboy na inihanda sa Senate media katulad sa nangyari noong 2006 kung saan bantay-sarado ng dalawang staff ang handang litson habang tinatadtad, animo’y Presidential Security Group (PSG) na nag-aabang sa pag-atake ng mga kriminal.
Higit sa lahat, mara­ming putaheng ipina­handa ang kunyong senador sa catering services na inar­kila at wanto-sawa sa soft drinks, maging sa panghimagas kung kaya’t maraming mediamen ang naglintayang natauhan ang mambabatas sa kantang ‘Himala’ ng River Maya.
Nabansagang ‘Boy Kornik’ ang kunyong senador, hindi dahil napaka-corny mag-joke sa umpukan bagkus saksakan ng kunat at kuripot sa paggastos, pinakamalupit ang pagpakain ng popcorn sa kanyang birthday bash nang unang tumuntong sa Upper House.
Sa kabilang banda, pinagduduhan ng mga kurimaw sa Upper House ang intensyong nagpa-pogi lamang ang kunyong senador at gustong ibangon ang imaheng makunat sa harap ng media lalo pa’t nag-aambisyon tumakbong Vice President sa 2010 national election ang mokong.
Clue: Numero unong balimbing ang kunyong senador sa panahon ni Erap at kinasangkapan ang isang kapamilya para maabot ang ambisyon sa pulitika. Ito’y nagpapakabakya sa press release, gamit ang kanyang palayaw at meron letrang “C” sa pangalan, as in Corn. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: