Wednesday, September 24, 2008

sept 24 2008 abante tonite issue

Ex-official inabandona ni esmi
(Rey Marfil)

yon, sa simbahan din ang tuloy’, nauwi sa hiwalayan ang pagsasama ng dalawang dating opisyal at tinitingalang personalidad sa larangan ng pulitika.
Ang rason, hindi kinaya ng misis ni ex-official ang lantarang pambabae ng kanyang mister kung kaya’t tuluyang inabandona gayong nagpakamartir sa napakahabang panahon at nilunok ang pride kahit harap-harapang nangangaliwa ito.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, naubos ang pasensya ng misis ni ex-official na isa rin dating opisyal ng pamahalaan, kasunod ang pagkakadiskubreng ginawang ‘love nest’ ng kanyang mister ang kanilang bahay.
Ang pinakamasakit sa panig ng misis ni ex-official, sariling tauhan ang kinalantari o bagong ‘toy doll’ ng kanyang mister, sa katauhan ng isang batambatang abogada na nagsisilbing legal counsel ng kanilang pamilya.
Bago nagkabistuhan, lumabas ng Pilipinas at nagbakasyon ng Europa ang misis ni ex-official para samahan ang kanyang anak na bagong kasal, as in isinama sa biyahe para mag-relaks habang nagha-honeymoon ang mag-asawa.
Katulad ng kasabihang ‘habang wala ang pusa, naglalaro ang mga daga’, gumawa ng milagro ang ex-official habang nakabakasyon sa Europa ang kanyang misis at nagawang ‘maglaro ng apoy’ sa sariling tahanan ng mga ito.
Lingid sa kaalaman ni ex-official, maraming ‘naitanim’ na spy ang kanyang misis sa kanilang bahay at mabilis nakarating sa Europa ang paglalaro ng apoy ng kanyang mister kaya’t detalyado ang lahat ng mga ginawang kabulastugan ng kanyang esposo at abogadang nagsisilbing legal counsel ng kanilang pamilya.
Sa mahabang panahon, hindi pumalag at nakipaghiwalay ang misis ng ex-official kahit harap-harapan ang pagtataksil at pambabae ng kanyang mister subalit hindi matanggap na ‘nababoy’ ang kanilang bahay dahil isa sa kuwarto ang naging saksi sa pagtataksil ng magkalaguyo.
Makaraan ang pagbakasyon sa Europa, hindi nagawa pang bumalik sa kanilang bahay ang misis ni ex-official at ipinag-utos sa mga katulong na iimpake ang mga kagamitan kung saan dumiretso sa bahay ng babaing anak at halos isang buwan nang nakikitira rito.
Sa unang tingin, hindi makabasag pinggan ang abogada na bagong karelasyon ng ex-official, katulad ng imaheng ipinu-project sa publiko at national television, maging sa mga press statement na ibinibigay sa media subalit ‘bumigay’ sa kanyang amo dahil sa mga binitawang pangako.
Clue: Hindi gaanong sumikat ang bagong karelasyon ng ex-official sa dating propesyong pinasukan kung saan nag-resign matapos makapasa sa bar exam at mabilis ding ‘pinirata’ bilang legal counsel ng ex-official. Kung sino ang ex-official at misis na dating opisyal ng pamahalaan, abangan ang susunod na kabanata. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: