May isang truck driver ng Pepsi Cola na nakasagasa ng kambing at tinakbuhan ang may-ari. Makalipas ang isang minuto dumaan ang delivery truck ng Coca-Cola -- ito’y hinarang ng may-ari ng sinasagaang kambing at pilit pinagbabayad ng damages. Ang sagot ng driver, ‘Hindi po ako nakasagasa sa kambing, taga-Pepsi-Cola po iyon’. Ang rason ng may-ari ng kambing in Muslim dialect ‘Ki Pipsi-Cula o Cuca-Cula, pareho din iyon. Magkamag-anak kayo, parehu kayu ng apelyidu... Cula’. Nakakatawa pero balikan ang P200 milyong ‘tongpats’ sa C-5 Road project, ito’y inilarawang ‘barya lamang’ ng katukayo ni Joselito Cayetano para pagkainteresan ni Senate President Manny Villar. Alisin natin ang pangalan ni Villar at alam ng karamihan, napakaraming pera ng kanyang pamilya, as in i-concentrate ang isyu sa ‘tongpats’ o ‘double insertion’, hindi kaya tamaan ng kidlat si Alan Cayetano sa mga pinagsasabi sa media interview gayong anti-corruption ang campaign advocacy at isinisigaw sa entablado noong 2007 election kaya’t nanalong senador, maliban kung nabingi ang mga kurimaw sa deklarasyon nitong ‘Kahit singko o piso, basta’t may katiwalian, dapat imbestigahan?” Kung susuriing mabuti ang anti-corruption advocacy ni Alan Cayetano, ito’y walang karapatang magwalis ng ibang bakuran, aba’y sariling tahanan, hindi ba’t dinumihan ng kanyang ama? Balikan ang P80 milyong BW Resources scandal ng namayapang si ex-Senator Renato ‘Companero’ Cayetano, hindi ba’t laway lang ang puhunan subalit kumita ng milyones sa kumpanya ni Jaime Dichavez at umabot sa Senate committee on ethics ang kontrobersya? Ito’y pinaimbestigahan ni Cavite Cong. Boying Remulla subalit mahusay ang pagkaka-‘washing machine’ at ‘pagkakakula’ ni Mr. Noted, as in majority leader Prancaceus Francis Pangilinan kaya’t naabsuwelto ang ama nina Alan at Pia. Sa panahong iyon, hindi pa Congressman si Boying kundi spokesman ni ex-President Joseph ‘Erap’ Estrada pero ngayo’y kasama sa Nacionalista Party (NP) ni Alan. Small world ‘di ba? *** Mapa-presidential o senatorial survey, kasing-pusyaw sa blue at pink uniform ng mga traffic enforcers ang pag-asang maging seat mate nina Mulaway at Boy Kornik sa Upper House ang ‘bayaning isinusuka ng mga vendor’ -- si MMDA chairman Bayani Fernando, aba’y ‘aksaya-pera’ lang sa pagpagawa ng mga tarpaulin at poster. Mantakin n’yo, kulelat pa rin sa 2nd quarter senatorial survey ng Social Weather Station (SWS) gayong puro mukha ang naglipana along the highway, eh hindi naman deklaradong American territory ang Pilipinas kahit nagpaka-tuta sa Kano para magkaroon ng 50 senador. Kahit itanong n’yo kay birthday boy Trevor Montojo ng Court of Appeals? Ibig sabihin, mamamaos lang ang boses ni Fernando sa sinalihang singing contest, katulad ng ‘Celebrity Duet’ sa GMA-7 subalit napakalabong umangat ng popularidad dahil mas maraming bad trip sa kanyang polisiya. At kahit magta-tumbling sa national television para mapansin, iisa pa rin ang resulta ng survey, maliban kung tatakbong barangay captain sa tabi ng Marikina River -- ito’y ‘sure hit’ dahil misis ang nakaupong alkalde. In fairness, labing-tatlong senatoriables ang hinakbangan ni Fernando sa survey mula No. 36 hanggang No. 45. Mabuti lang, isinama ng SWS sina Mayor Sonny Belmonte, GSIS President Winston Garcia, DILG Sec. Ronnie Puno, Speaker Boy Nograles at DOE Sec. Angelo Reyes, at least may tinalo si BF! Kapag pinagbatayan ang senatorial list ng SWS, napakalaking problema ang kinakaharap ni Fernando, aba’y 19 ang kailangang sipain pababa para makapasok sa Magic 12, eh hindi naman sidewalk vendors ang mga senatoriables para magpapatadyak lamang sa mga tauhan ni Fernando. Higit sa lahat, nakapuwesto sa No. 20 si Mayor Jojo Binay kaya’t bago ma-penetrate ni Fernando ang No. 12 slot, ito’y baldado kay Rambotito, eh paano pa kung magdeklara at tumakbo si Cong. Roilo Golez, ‘di hamak naman nasa itaas ito! (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment