Monday, September 22, 2008

sept 22 008 abante tonite issue

Solon may karelasyong konsehal
(Rey Marfil)

Bagama’t matagal nang natapos ang bilangan at panibagong eleksyon ang nakaumang sa 2010, hindi pa rin ‘namamatay’ ang isyung ‘AC-DC’ ang isang solon, hindi lamang sa pera kundi sa pakikipagrelasyon matapos masangkot sa isang konsehal na kapareho ang kasarian nito.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, hindi lamang kalaban sa pulitika ng solon ang nagsasabing ‘dual citizenship’ ang mambabatas, as in ‘half Filipino at half Filipina’ dahil mismong constituents at alkalde sa kanilang bayan ang nagkukumpirmang ‘nagkukulay berde’ ang dugo nito.
Nang tumakbo sa higher position ang solon, isang isyung ikinakabit ng mga kalaban sa MalacaƱang ang pagiging ‘double blade’, as in nagtataglay ng dalawang kasarian ang mambabatas subalit hindi nagtagumpay sa paghahanap ng ebidensya ang mga ito.
Makalipas ang ilang taon, buhay pa rin ang isyung ‘silahista’ at ‘tsikboy’ ang solon, as in puwede sa tsiks at boy kung saan walang ibang itinuturong karelasyon kundi ang staff na dating konsehal.
Sa panahong ‘nag-traydor’ ang solon at ‘kinagat’ ang mga taong kumupkop sa pamamagitan ng mga dispalinghadog expose, halos lahat ng butas sa kanyang pagkatao’y sinilip ng MalacaƱang, kabilang ang ‘special operation’ para kunan ng litratong kaulayaw ang lalaking karelasyon.
Hindi nagtagumpay noong nakaraang eleksyon ang mga kalaban ng solon na makunan ng litratong kayakap ang lalaking karelasyon subalit muling nabuhay ang isyu at direktang itinuturo ang dating konsehal bilang ‘papah’ ng mambabatas.
Dati-rati’y walang imahe ang lalaking itinuturong ‘lover’ ng solon, maliban sa alegasyong nagtatrabaho sa isang sangay ng hudikatura kung kaya’t walang napala ang mga kalaban.
Bagama’t chief of staff (COS) ang katungkulan sa opisina ng solon, mistulang personal secretary kung umasta ang dating konsehal dahil kasama sa lahat ng ‘lakaran’ at daig pang lehitimong misis ng mambabatas at sobrang ‘sweet’ ng dalawa na sabay pang kumakain ng tanghalian.
Clue: Hindi matatawaran ang tapang ng solon kung apog ang pag-uusapan. Ito’y numero unong balimbing at taksil sa kaibigan. Kung senador o kongresista, aba­ngan kung sino ang susunod na kakagatin ng mambabatas kapag wala nang butong maibigay ang nagpapakain sa kanya.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: