Wednesday, September 10, 2008

sept 10 2008 abante tonite issue

Presidentiable nagselos sa interbyu!
(Rey Marfil)

Kung namamalimos ng interbyu sa mga mamamahayag ang isang kunyong miyembro ng Upper House, mas malupit ang inugali ng isang presidentiable matapos pagselosan ang mga kapwa mambabatas na paboritong kunan ng sound bite.
Nasaksihan ng TO­NITE Spy kung paano magselos ang presidentiable matapos makitang pinagkakaguluhan ng mga mediamen sa loob ng session hall ang ilang kasamahan habang bokya sa ambush interview ito.
Bago nagbukas ang sesyon, kanya-kanyang diskarte ang mga mediamen kung sinong senador ang kukunan ng sound bite sa loob ng session hall at ‘pinakamabenta’ ang dalawang bagitong solon.
Sa maikling sandaling inilagi ng mga mediamen sa loob ng session hall para maghanap ng ma-interbyu, nilalagpasan lamang sa kanyang upuan ang presidentiable.
Nakaramdam ng ma­tinding inggit at selos sa katawan ang presidentiable dahil kung anong init ng mga kasama­hang mambabatas sa interbyu, ito’y bokya at luhaan sa media exposure kung kaya’t nakapag-isip ng diskarte para mapansin ng Senate reporters.
Ang nakakasuka lamang, hindi nakiusap sa Senate reporters ang presi­dentiable para mainterbyu at mahingan ng komento sa mga naglalakihang headlines sa peryodiko bagkus nangonsensya ang solon, animo’y meron itinagong tape recorder at camera sa mga mamamahayag.
Nang mapadaan sa kanyang upuan ang Se­nate media, sa pangunguna ng mga television reporters, diretsahang nagparinig ang presidentialbe tungkol sa ginawang ‘pagtabla’ ng mga mamamahayag, gamit ang li­tanyang ‘mahina na ako sa inyo’ subalit hindi pa rin nabola para kunan ng sound bite ito.
Bagama’t hindi pa-suwelduhan ng presidentiable, mismong mamamahayag ang nahiya kung kaya’t kaagad dumepensa at inirasong ibang isyu ang itinanong sa dala­wang bagitong senador, kasabay ang paghingi ng sorry upang ipakita ang pagkadiyahe rito.
Clue: Lahat ng diskarte para maiangat ang popularidad, kabilang ang pagkunyaring matapang sa mga isyu, ito’y ginagawa ng presidentiable kahit takbuhin sa mga laban. Masunurin sa ate at ina ang presidentiable, as in Mama’s Boy. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

No comments: