Nakaraang linggo, inilabas ng Lakas-CMD Party ang labingwalong (18) pangalan sa senatorial list, kinabibilangan nina Senator Bong Revilla, Senator Lito Lapid, DA Sec. Arthur Yap, Health Sec. Francisco Duque, MMDA chairman Bayani Fernando, Quezon City Mayor Sonny Belmonte, Parañaque Cong. Ed Zialcita, Albay Cong. Edcel Lagman, Bacolod Cong. Monico Puentevella, NEDA Sec. Ralph Recto, ex-Cong. Prospero Pichay, Iloilo Cong. Art Defensor, ex-Ilocos Norter Gov. Chavit Singson, OMB chairman Edu Manzano, Palawan Cong. Abraham Baham Mitra, Pampanga Cong. Mikey Arroyo, DAR Sec. Nasser Pangandaman, DepEd Sec. Jesli Lapus at ex- presidential chief of staff Mike Defensor. Sa kaalaman ng publiko: talunan si Lagman noong 1998 election sa ilalim ng Erap-Edong ticket.
Hindi ba’t Presidente ang gustong takbuhan ng bayaning isinusuka ng mga vendor -- si Fernando, eh bakit isinama sa senatorial list ng partido. Ibig sabihin, kahit sariling kasamahan sa organisasyon, walang kabilib-bilib kay Fernando bilang presidentiable at naiintindihan ang masamang estado sa survey nito. Ang tanong lamang: Magawa kayang makapasok sa ‘Magic 12’ ni Fernando kung bokya sa presidential survey lalo pa’t dumarami ang binabambo ng mga taga-MMDA. Partida pa iyan, lagpasan hanggang probinsya ang tarpaulin ni Fernando pero kahit isang letra ng pangalan at apelyido, hindi binanggit ng respondents sa SWS survey.
Pansinin ang labingwalong (18) senatoriables ng Lakas-CMD, kundi talunan, walang ‘kabuhay-buhay’ sa mga botante, maliban kina Revilla at Lapid. In fairness, malaki ang tsansang makabalik ni Recto at kailangan ng Pilipinas ang katulad ni Yap sa Senado. Ang problema lamang, kung paano manalo lalo pa’t lubog sa kumunoy ang imahe ng kanilang amo. Teka lang, bakit wala ang pangalan ni Lakas-CMD Secretary General at Senador Juan Migz Zubiri sa senatorial list, eh siya pa naman ang nag-anunsyo sa Dusit Hotel, sigurado bang hindi mapapatalsik ni Atty. Koko Pimentel bago mag-2010?
***
Napag-usapan si Pichay, higit ipagpasalamat sa misis ni Jose Pidal ang ‘pagkakatanim’ sa Local Water Utilities Administration (LWUA) keysa umangal. At least siguradong tutubo dahil puro tubig ang LWUA. Ang problema lamang ni Pichay, paano matutupad ang pangarap nitong maitanim sa Senado ngayong ‘never heard’ sa mga botante ang opisinang ibinigay ni Mrs. Arroyo at ‘barya-barya’ ang pondo kung ikukumpara sa Bureau of Custom (BOC) na sinasalok ang kita sa mga kontrabando at palusot. Iyon lang, pinagpasa-pasahan ni Mrs. Arroyo at isang ‘pakunsuelo de bobo’ ang pagkakaroon ng puwesto sa gobyerno.
Sa lahat ng talunang senatoriables ng Team Unity (TU), si Pichay ang pinakamaingay subalit pansinin ang pagtitiwalang ibinibigay ni Mrs. Arroyo, ‘di hamak mas bilib ang Pangulo kina ex-senator Ralph Recto, ex-senator Vicente ‘Tito’ Sotto III, at ex-senator Tessie Aquino-Oreta (TAO). Si Recto ang bagong National Economic Development Authority (NEDA) Secretary, si Sotto sa Dangerous Drugs Board (DBB) na may kapangyarihan bilang gabinete habang si Oreta, inihahanda sa Department of Education (DepEd). Ibig sabihin, kailangan ni Pichay maging ‘ex-senator’ bago mabigyan ng magandang puwesto. Ang problema, hindi tumubo noong 2007 election.
Ang pinagtatawanan ng mga kurimaw, sobrang taas ng ambisyon ni Pichay sa buhay subalit sa ‘kangkungan’ din bumagsak. Hindi ba’t unang pinuntirya ang silya ni Lolo Ed Ermita bilang Executive Secretary at kasunod na pinag-interesan ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of National Defense (DND), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Transportation and Communications (DOTC), Bureau of Custom (BOC), pinakahuli ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Hindi kaya barado lamang ng tutule o madumi ang tainga ni Pichay kaya’t nagkamali ng dinig sa LWUA? Kaya’t huwag ipagtaka ng publiko kung gawing ‘kangkong’ ng mga taga-palengke ang palayaw ni Pichay. At least, gulay pa rin! (www.mgakurimaw.blogspot.com)
3 comments:
Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
Help, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!
Canadian neurontin ED allegra Order lopid No prescription cyklokapron Discount codeine Low price phentermine
اجهزة كشف تسربات المياه بالقطيف
شركة كشف تسربات المواسير بالقطيف
شركة صيانة تسربات المياه بالقطيف
Post a Comment