Wednesday, September 3, 2008

sept 3 2008 abante tonite issue

Senador, nagmistulang maamong tupa sa tauhang sinibak
(Rey Marfil)

Dati-rati’y sinisigawan at minumura ng matandang senador ang isang tauhang sinibak at inaakusahang bopols sa pamamalakad ng kanyang opisina, ngayo’y nabaliktad ang mundo ng dating mag-amo dahil matinding pagsisipsip ang ginagawa ng mambabatas dito.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, kontodo-sipsip ngayon ang matandang senador sa dating chief of staff, kasunod ang pagkakadiskubreng makakatulong sa kanyang political career ang opisina ng huli, maging sa karelasyong personalidad na nag-ambisyong makapag-state visit sa iba’t ibang bansa.
Kung astang-tigre ang matandang senador sa panahong pinapasahod at pinapakain sa kanyang palad ang dating chief of staff, animo’y maamong tupa ang mambabatas kapag nakikipag-usap sa dating utusan, as in napa­kamalumanay magsalita at hindi makabasag pinggan ang kumag.
Sa panahong hawak sa leeg ng matandang senador ang dating chief of staff, halos hindi makain ng hayop kung magmura ang mambabatas at madalas umaalingawngaw sa kanilang opisina ang katagang ‘bobo at tanga’ ang tauhan.
Higit sa lahat, walang patawad ang matandang senador dahil simula ulo hanggang paa kung sabunin ang dating chief of staff kapag nagkakamali ng diskarte sa pagpapatakbo ng kanilang opisina, as in sobrang perfectionist ang mambabatas.
Kung anong sama ng ugali sa nagdaang panahon, sobrang amo ngayon ng matandang senador sa dating chief staff at kapag nakakausap sa Upper House, ito’y meron pang kasamahang tapik sa balikat, sabay bigkas ng katagang ‘Ayos Bata’ gayong “Ang bobo mo talaga at Ang tanga-tanga mo” ang madalas litanya ng mambabatas sa dating tauhan.
Ang nakakadismaya lamang, hindi nakikita ng matandang senador ang magandang ginagawa o kontribusyon ng dating chief of staff bago tuluyang sinibak matapos magkaaberya noong 2004 election ang kanilang kampanya.
Ilang taon namalagi sa ibang bansa ang dating chief of staff at nakahanap ng magandang trabaho makaraang bumalik ng Pilipinas, kasama ang isa pang nagsilbing chief of staff kung saan konektado sa pulitika ang linya ng kanilang opisina.
Clue: Hindi matatawaran ang husay ng matandang senador sa paglikha ng batas, maging sa pangtitsiks, patunay ang pakikipagrelasyon sa kapwa-mambabatas. Ito’y meron letrang ‘E’, sa palayaw, as in Engot mag-Tagalog habang merong let­rang ‘V’ ang chief of staff, as in Victory ang publiko kapag nalinis sa 2010 ang halalan, sa pamamagitan ng kumpanyang itinitimon ng dating tauhan. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

No comments: