‘Kung naglalaro ang mga daga habang wala ang pusa’, ibang kasabihan ang pinaniwalaan ng magdyowang mambabatas dahil nagawa pang maglaro ng apoy habang nasusunog ang kanilang bahay, patunay ang pagtatampisaw sa kasalanan. Sa halip mairita, natawa ang naglipanang kurimaw sa session hall at hallway sa pangunguna ng TONITE Spy matapos madiskubreng nag-abroad ang magkarelasyong mambabatas sa harap ng kaguluhang nagaganap sa kanilang ‘bahay’. Ang nakakatawa sa lahat, nagkunyari pang magkahiwalay ng biyahe ang magdyowa kung saan pinalabas sa kanilang magkahiwalay na press release ang pagdalo sa malaking gathering sa labas ng bansa. Maliban dito, hiwalay din ang flight ng mag-dyowang solon palabas ng Pilipinas, ilang linggo ang nakakaraan kung saan magkaibang destinasyon ang nakalagay sa kanilang itinerary upang makaiwas sa intriga lalo pa’t sabay nawala. Lingid sa kaalaman ng publiko, iisang venue lamang ang pupuntahan ng magdyowa at lumalabas pang ginawang ‘tapayan’ ang malaking event sa Estados Unidos para masarili ang isa’t isa at makapagtampisaw sa kasalanan. Taliwas sa gustong palabasin ng magdyowa na magkaiba ang kanilang pakay at biyahe, malinaw sa kanilang itinerary na magkalapit lamang ang final destination ng mga ito, as in ‘yellow cab’ lamang ang katapat para magkita ang dalawa sa Amerika. Makaraan ang pagdalo sa iba’t ibang political gatherings at imbitasyon ng Filipino community, nadiskubreng magkasama sa Amerika ang magdyowang solon sa buong trip, kasama ang kanilang mga pinagkakatiwalaang alalay at nagkahiwalay lamang nang pauwi sa Pilipinas matapos mag-iba ng flight ang mga ito. Bagama’t hiwalay ang lady solon sa kayang mister, katulad ng matandang solon na ginagawang palamuti at dekorasyon sa mga political gatherings at media event ang kanyang misis dahil hindi na nagsisiping, maituturing pa rin legal ang kanilang marriage dahil walang annulment na isinampa at wala rin diborsyo sa Pilipinas. Clue: Mataas ang pangarap ng lady solon, katulad din ng karelasyong matandang solon subalit parehong luhaan noong 2004 dahil nagkamali ng desisyon. Kung kongresita o senador, abangan sa 2010 national election ang magkarelasyon lalo pa’t magkaiba ang kanilang organisasyon. (www.mgakurimaw.blogspot.com). |
No comments:
Post a Comment