Mas matindi pang insulto ang naramdaman                      ngayon ng misis ng isang dating official ng MalacaƱang,                      hindi dahil sa ipinagpalit sa batambatang bebot ng kanyang                      mister kundi row four ito.                                         Ang rason, nadiskubre ni Mang Teban na tatlong beses bumagsak                      sa bar examination, as in Bar flanker ang bagong karelasyong                      bebot ng ex-official na naunang inabandona ng kanyang misis.                                         Sa tindi ng ambisyon sa buhay, nagawang iwanan ng karelasyong                      bebot ng ex-official ang dating propesyon dahil sa kabiguang                      sumikat at kawalan ng tsansang mabigyan ng break ng kanilang                      kumpanya.                                         Hindi naman ikinagulat ng mga miron sa Greenhills San Juan                      kung naunsyami ang pagsikat ng karelasyong bebot ng ex-official                      matapos madiskubreng row four sa klase, patunay ang tatlong                      beses bumagsak sa Bar examination.                                         Ang nakakasuka lamang, umaastang abogada ang bebot sa harap                      ng media, maging publiko, as in nagpi-feeling chief legal                      counsel o spokesperson ng karelasyong amo.                                         Hindi sumikat sa isang giant broadcast network ang bebot kaya’t                      nakapag-isip ng ibang diskarte para kumita at magkaroon ng                      pangalan, sa pamamagitan ng pag-aktong spokesperson ng ex-official.                                         Katulad ng kanyang ninanais, natupad ang lahat ng pinangarap                      ng bebot dahil tuluyang ‘ikinama’ at binigyan                      ng mga malalaking perks at monthly benefits ng ex-official,                      kapalit ang pagiging lehitimong kabit nito.                                         Pintahan n’yo na: Nawala sa himpapawid ang bebot at                      biglaang lumutang bilang spokesperson ng kilalang ex-official                      subalit ngayo’y nahaharap sa matinding eskandalo dahil                      pinatulan ang kanyang amo kaya’t inabandona ng misis                      nito. Ang ex-official ay nagbabalak pang makabalik sa poder                      kaya’t ikot nang ikot.
  | 
No comments:
Post a Comment