Saturday, August 30, 2008

aug 30 2008 abante tonite issue

Presidentiable napikon sa ‘Dark Horse’
Rey Marfil

Sa halip na ikatuwa ang pagkakabansag bilang ‘dark horse’ sa 2010 national election, sukdulan hanggang Makati area ang pagkapikon ng isang nagkukunwaring presidentiable sa sari­ling kasamahan sa organisasyon matapos maiba ang pakahulugan nito.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, hindi lamang napikon bagkus umusok ang ilong ng isa sa tinaguriang ‘presidentiable kuno’ nang ma­balitaang iniinsulto ang planong pagtakbo sa 2010 national sa harap mismo ng mga local officials.
Dahil uso ngayon ang “Lakbay-Aral”, sa pa­ngunguna ng mga alkalde at konsehal, napadaan sa lalawigan ng isang bagitong senador ang mga local officials kung kaya’t nag-courtesy call bilang respeto sa mambabatas.
Sa nangyaring courtesy call, napag-usapan sa harap ng bagitong senador ang mga nagsusulputang presidentiable sa 2010 election at ipinagmalaki ng mambabatas ang magandang standing sa survey kahit walang deklarasyon ito.
Nang matanong ang pangalan ng nagkukunya­ring presidentiable, kaagad inilarawan ng bagitong senador na isang ‘dark horse’ sa 2010 election ang kasamahan sa orga­nisasyon kasunod ang pahabol na masamang biro ang bagitong senador laban sa ‘presidentiable kuno’ kung saan ginawa nitong literal ang kahulugan ng papuri sa kasamahan sa organisasyon, katulad ang alegasyong ‘maitim at mukhang kabayo’.
Lingid sa kaalaman ng bagitong senador, maraming alkaldeng sipsip sa ‘presidentiable kuno’ kaya’t nakarating sa kaalaman ng huli ang biro kaya’t nanggagalaiti sa galit ito.
Sa hangaring makaresbak sa bagitong senador, binaba-bad mouth at inuupakan ni ‘presidentiable kuno’ sa mga kaibigang pulitiko at local officials ang solon kapag nakatalikod, as in sinisiraan sa grupo, maging sa tumatayong ‘god father’ ng organisasyon.
Clue: Katulad ng kanyang kulay, madilim ang ‘future’ ng presidentiable sa 2010 election at hindi makita kahit isang letra ng pangalan sa presidential survey habang isa sa vice presidentiables ang bagitong senador. Magkasama sa organisasyon ang dalawa at parehong nagmay-ari ng letrang nasa hulihan ng alpabeto, as in meron letrang “Y at Z” (www.mgakurimaw.blogspot.com).

No comments: