Wednesday, September 17, 2008

sept 17 2008 abante tonite issue

Senador napaglaruan ng magkumpare
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘tuso man ang matsing, napag­lalalangan din’, nalansi at naisahan ng magkumpareng senador ang isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ginagawang ‘pagpuputok ng butse’ sa loob ng session hall.
Hindi maiwasang pagtawanan ng mga naglipanang kurimaw sa Upper House, sa pangunguna ng TONITE Spy ang pagkakalansi ng magkumpareng senador sa isang administration senator para tumigil sa kapuputak at pag-iingay tungkol sa nakabinbing mosyon bilang depensa sa ka-tropa nito.
Nang magkainitan kung sino ang legal na tatayo sa floor, nauwi sa sigawan ang mga magkakatunggaling solon kung kaya’t kaagad sinuspendi ng presiding Senate President ang sesyon upang pakalmahin ang mga ito.
Sa puntong ito, napakinabangan ang husay ng isa sa kampon ni Mrs. Arroyo kahit paulit-ulit na kinukuwestyon ang kapasidad bilang senador matapos umaktong ‘reperi’ sa gulo at matagumpay nitong napahupa ang tensyon.
Isa-isang hinimas ng kampon ni Mrs. Arroyo ang magkakatungga­ling senador kung kaya’t muling nag-resume ang session, makalipas ang humigit-kumulang tatlumpong minuto.
Taliwas sa inaasahan ng lahat, biglaang tumayo ang administration senator at nagmarakulyo kung kaya’t muling sinuspendi ang sesyon, kasabay rin ang paglapit ng kampon ni Mrs. Arroyo para rendahan at pakiusapang huwag nang magsalita dahil nakaiskedyul mag-adjourned.
Higit sa lahat, napaniwala ng kampon ni Mrs. Arroyo ang administration senator na ‘nakaisa’ o naka-puntos sa opposition senator kaya’t hindi kailangan pang rumesbak dahil kapag nasobrahan ang pagmamarakulyo sa floor, ito’y posibleng masilat at mapasama sa publiko.
Lingid sa kaalaman ng administration senator, magkumpare ang opposition senator at kampon ni Mrs. Arroyo, patunay ang pagiging magka-jamming sa VIP lounge, maging sa floor bago magbukas ang sesyon.
Maging ang administration senator, hindi maiwasang matawa nang malaman nitong magkumpare ang dalawang kasamahan lalo pa’t paulit-ulit nitong ipinagmamalaking mahusay na ‘reperi’ ang kampon ni Mrs. Arroyo, kasabay ang pag-aming ‘naisahan’ ng dalawa.
Clue: Kung walang takot ang opposition senator na labanan ang mga corrupt, kasing-tapang din sa pagta-tumbling ang kampon ni Mrs. Arroyo habang nawala ang tapang ng administration senator kapag kakampi at taga-MalacaƱang ng inaakusahang bad ng lipunan. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: