Sakto sa isang dating opisyal ng MalacaƱang ang kasabihang ‘tuso man ang matsing, napaglalangan din’ matapos maisahan ng kanyang adviser at matangayan ng humigit-kumulang sa P30 milyon noong nakaraang kampanya. Kung anong gulang sa pera ni ex-Palace official, hindi ito umubra sa inarkilang adviser dahil matagal nang niyayari ang mga pondong nakalaan sa ‘special operation’ subalit wala naman ginagawang aksyon ang una, maliban sa puro reklamo at pagmamarakulyo sa harap ng mga kaibigan kapag nagkakainuman. Sa report na nakalap ng TONITE Spy, paulit-ulit na ikinukuwento ni ex-Palace official ang panloloko ng kanyang adviser, partikular ang panraraket at pag-tongpats sa mga ini-isponsorang ‘special operations’, maging ang campaign fund na ibinibigay sa mga kaibigang pulitiko. Ang pinakamalupit sa lahat, isang local officials sa Mindanao region ang nagreklamo at nagsumbong kay ex-Palace official matapos madiskubre nitong P5 milyon ang ipinadalang kontribusyon subalit P250 libo lamang ang nai-deliver at ibinigay ng kanyang adviser noong nakaraang kampanya. Sa tindi ng pagkapikon ng isang local official sa pag-aakalang barya lamang ang campaign contributions ni ex-Palace, ipinasoli ang P250,000 at ikinagulat ng magtungo sa Maynila para kausapin ang kaibigan nang malaman nitong P5 milyon ang original campaign fund na ipinadaan sa adviser nito. Maliban sa isang local official ng Mindanao, marami pang kapartido at kaibigan ni ex-Palace official ang nagreklamo dahil kakapiranggot ang nakuhang campaign fund at huli ng lahat ng madiskubreng ‘tinaga’ ng sariling adviser ng kanilang amo ang pondo ng mga ito. Clue: Lider ng isang kilalang militanteng grupo ang adviser ni ex-palace official. Ito’y nakisawsaw sa press conference kaya’t nasampolan ng isang kolumnista habang saksakan ng tulis sa tsiks si ex-Palace official. Abangan ang iba pang pakikipagsapalaran ng kanyang adviser. (www.mgakurimaw.blogspot.com |
No comments:
Post a Comment