Hindi maagang nagkainitan kundi matagal nang nag-uupakan ang mister ni Las Piñas Congw. Cynthia Villar at boypren ni Ate Korina Sanchez. Ang nakakalungkot, kung kailan nagsimulang pumasok ang ‘Ber Month’, mas lalong umiinit ang banggaan nina Senate President Manuel ‘Manny’ Villar Jr., at Senador Manuel ‘Mar’ Roxas II gayong parehong ipinagpala at sumisimbulo ng kapanganakan ni Jesus Christ ang given name. Hindi lang isyu sa 2010 presidential race ang topic, aba’y tuloy ang pasiklaban kung sino ang lehitimong tambay ng palengke, maliban kung magpakilala rin kargador sa pier ni ex-Usec Bobby Capco kahit inaakusahang adik ni ex-PCSO media consultant Robert Rivero sa Senate hearing? Sa interview ni Mareng Nimfa Ravelo sa dZBB radio noong nakaraang Linggo, animo’y kakapiranggot ang paglalarawan ni Villar sa Liberal Party (LP) ni Roxas kumpara sa Nacionalista Party (NP). Sabagay, kasya sa isang bus ang buong Liberal kasi presidential chopper ang pangsundo ni ex-presidential chief of staff Mike Defensor. Ang eksaktong ‘quote’ ng mister ni Mam Cynthia ‘Well sa akin syempre mas malaki ang NP kaysa LP at mas malaki ang Kampi sa aming lahat.’ Ang resbak ni Roxas nang makausap sa cellular phone ng Spy ‘Hayaan mo siyang managinip.’ Ito’y sinundan noong Lunes sa session hall ng katagang ‘tatlo ang Ramon Magsaysay awardee’ ng Liberal.’ Ang tinutukoy ng boypren ni Ate Koring -- sina Naga Mayor Jessie Robredo, Isabela Gov. Grace Padaca, at ex-Senate President Jovy Salonga. Maging mediamen, nalito nang magbilang sa daliri kung sino ang mas maraming miyembro sa pagitan ng Liberal at Nacionalista lalo pa’t nahati sa dalawang paksyon ang itinitimon ni Roxas nang tumugtog ang ‘Hello Garci CD’ ni GMA at ilan dito’y libreng namamangka sa Ilog Pasig. Hindi ba’t napalusutan si Roxas ni ex-Cabinet secretary Silvestre ‘Yoyong’ Afable sa pagtayong legal adviser ni Atty. Camilo ‘Bong’ Montesa sa GRP-MILF peace panel gayong director general ng Liberal Party? Ang problema ni Roxas, hindi naman padamihan ng medals ang labanan sa 2010, katulad ng ipinagmamalaking ‘Ramon Magsaysay awardees’ at masyado pang malayo ang 2012 Olympic games! *** Napag-usapan ang banggaan ng dalawang Manuel, malulupit ang text messages na umikot, katulad ang mensaheng ‘This morning on dzMM, after non stop of mocking and attacking the administration, Korina ended by saying ‘Tuwang-tuwa sigurado ang mga taga-Malacañang at nagdadasal silang huwag na tayong babalik Ted (Failon). Korina, please be reminded that in 1995. GMA was the No. 1 Senator and in 1998 as Vice President. She got more votes than Erap. If you believe Mar don’t need the support of all administration people their relative, friends and allies, then you’re wrong! Mar cannot get solid opposition vote because Villar, Loren (Legarda) and Ping (Lacson). Please pass this to Mar’. Take note: hindi pa nagpa-file ng certificate of candidacy ang mga iyan pero grabe kung mag-upakan! Ang nakakatawa lang, pasiklaban din sina Villar at Roxas kung sino ang ‘original tambay’ ng palengke at isa sa nai-save ng Spy ang mensaheng ‘Galit si Korina sa kampanya ni Senator Villar na nasa palengke siya. Bakit, eh kasi si Villar talaga ay nagmula sa palengke! Si Mar kaya lang naman tinawag na Mr. Palengke kasi may-ari ng palengke ang kanilang pamilya sa Farmers’. Sabagay, ‘Ko-Recto’ ang nagpadala ng message at pangsosyal nga naman ang Farmers Market kumpara sa Divisoria at talipapang tinambayan ng bossing ni Miss A. Kahit hindi balikan ang family background ng dalawa at isentro ang pagkukumpara sa Mr. Palengke at ST commercial, malinaw na pagtitinda ng isda ni Villar habang si Roxas nagsasayaw lang sa palengke. Mantakin n’yo, pati paghalo ng graba pinasukan ni Manny at sa malamang ‘namulutan pa ng askal at tumira ng gin’ noong tinedyer. Iyon nga lang, litaw ang kampo ni Villar bilang ‘suspetsado’ sa text brigade kahit ipagpalagay pang meron ‘third party’ na nag-operate para pagsabungin ang dalawang Manuel at makinabang ang ipinu-push nitong standard bearer. (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment