Sunday, September 28, 2008

sept 27 2008 abante tonite issue

Kabit ng ex-official, ibinugaw ng anak sa labas
(Rey Marfil)

Sa kabila ng ginawang ‘pangba-baboy’ sa kanilang tahanan, hindi pa rin maitago ang pagiging martir ng misis ng kilalang ex-Palace official matapos bumalik ng bahay, sa ngalan ng pagmamahal sa kanyang pamilya at pangambang masira ang reputasyon ng mga anak.

Ang pinakamasakit lamang sa lahat, isa sa ‘anak sa labas’ ng kilalang ex-Palace official o ‘love child’ sa ibang babae ang tumayong bugaw para makilala ng kanyang ama ang bagong karelasyong bebot, sa katauhan ng isang bar flanker na tumatayong legal counsel at taga-pagsalita nito.

Nakapasok sa kampo ng kilalang ex-Palace official ang bagong karelasyong bebot dahil sa impluwensya ng kanyang “anak sa labas” at mabilis din tinanggap sa trabaho dahil natipuhan lalo pa’t kahawig ng ilan sa mga naikama nito.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, malapit sa isa sa mga “anak sa labas” ng kilalang ex-Palace official ang bagong karelasyon nito, as in mismong “love child” mula sa dating sexy star ang nagbitbit sa bebot at nagpakilala sa kanyang ama para irekomendang legal counsel at spokesperson.

Bagama’t hindi lite­ral na “ibinugaw” ang bagong karelasyong bebot, walang ibang sinisisi ang mga lehitimong anak o legitimate children ni ex-Palace official kundi ang “kapatid sa labas” dahil nakaiwas sana sa ganitong eskandalo ang kanilang ama kundi pinakilala at ipinagpilitang gawing legal counsel at tagapagsalita ng kanilang pamilya ang kabit nito.

Maging lehitimong asawa ng kilalang ex-Palace official, hindi maitago ang sama ng loob sa kanyang step-son dahil dalawang beses nang pinagtaksilan ng mag-ina at ngayo’y nagawa pang ‘babuyin’ ng kanilang ama ang sariling teritoryo nito.

Kahit isinusumpa ang ginawang pagtataksil at pang­ba-baboy ng mister at inarkilang tauhan sa kanilang tahanan, napilitan pa rin magbalik-bahay ang misis ng kilalang ex-Palace official, alinsunod sa payo ng mga kaibigan at panghihimok ng mga kapamilya dahil maapektuhan ang imahe ng mga lehitimong anak.


Clue: Kung pagiging martir at kabaitan ang pag-uusapan, puwedeng ihanay sa mga bayaning nagbuwis ng buhay ang misis ni ex-Palace official habang ang step-son na nagbugaw sa bagong karelasyon ng kanyang ama, ito’y kamukha ng komedyanteng nagtitinda ng balut. Abangan ang iba pang kaganapan.

(www.mgakurimaw.blogspot.com)

1 comment:

natividad balete said...

http://filipinaakosowhat.blogspot.com/