Sa gitna ng rigodon sa MalacaƱang, kaliwa’t kanan din ang nagsusulputang intriga, hindi lamang sa text kundi sa coffee shop, pinaka-latest ang pagkakaroon ng love child ng isang tigasing gabinete sa isang lady Undersecretary (Usec). Ang report, inamin umano ni Secretary sa isang foreign trip sa harap ng mga kaibigan ang pagkakaroon ng anak kay Usec. Take note: Ilang buwang nawala sa sirkulasyon ang lady official at pinagdududahang nanganak sa panahong nakabakasyon o naka-leave sa MalacaƱang. Anyway, parehong letrang ‘L’ ang initial nina Secretary at Usec! Iyon lang, iba ang kuwento sa Spy ng isa sa mga kaibigan ni ‘Usec’ -- ito’y hindi nangangak kundi nagka-mayoma kaya’t lumaki ang tiyan at matagal nagbakasyon dahil kailangang operahan at ipagpahinga ang katawan. Ang depensa ng kanyang kaibigan -- ito’y hiyang-hiya na kapag nagpa-check up sa Makati Medical Hospital sa panahong inoobserbahan ang paglaki ng tiyan dahil mapagkakamalang naasembolan, eh dalaga pa naman, ito’y nangyari noong Oktubre 2007, kahit itanong n’yo pa ba Usec Berna Romulo-Puyat. *** Maliban kina ‘Secretary L’ at ‘Usec L’, isa pang gabinete ang itinuturong karelasyon ng isa pang lady Undersecretary. Kung pagbabatayan ang text message na kumakalat, ilang buwan nang mag-on ang dalawang opisyal at palihim ang kanilang pagkikita lalo pa’t may asawa at anak si ‘Secretary A’. In fairness, pinagpapantasyahan ng ilang kalalakihang mediamen si ‘Usec Falaypay’ -- ito’y malakas ang ‘arrive’ kahit hindi kagandahan kumpara sa mga nag-opisina sa Makati area. Ang hindi lang kinagat ng mga kurimaw, eh kung paano naging magkarelasyon ang dalawa gayong matagal nang bad trip si ‘Secretary A’ sa lady official. Isang ‘common friend’ ang nagkumpirmang hindi tinanggap ni ‘Secretary A’ si ‘Usec Falaypay’ sa kanyang departmento kaya’t ito’y binigyan ng ibang trabaho. Kahit ‘chupopoy’ ang porma ng tsinitong gabinete, malabong patulan ang lady official dahil siguradong sermon ang aabutin sa kanyang Ma’am at posible pang mawalan ng trabaho kahit paborito itong tagatimpla ng kape sa eskuwelahan ni Ma’am. Iyon lang, ipinagtanong ni Senador Joker Arroyo sa isang reporter kung anong hitsura ng lady official! *** Napag-usapan ang rigodon, umpisahan nang magdasal at magtawag ng santo ng mga OFW’s dahil malapit nang tumubo si Prospero Pichay sa OWWA. Ang malaking sampal kay Pichay, ito’y pinagpapasa-pasahan, as in kahit saan na lang ipinatatanim ni Gloria. Kaya’t ang tanong ng mga kurimaw: Magiging makulay kaya ang buhay ng mga OFWs ngayon pang hindi naitanim sa Upper House? Hindi lang OWWA post ang puntirya ni Pichay kundi ang bangko ni Lolo Ed Ermita, katulad ng kuwentuhan sa mga coffee shops. Ang problema ni Pichay, maraming ‘nagwawater-water’ mag-opisina sa Executive House at siguradong malalanta ang talunang senador kapag isang Ronnie Puno ang kaagaw sa lupa, as in maninilaw at mauubusan ng mineral. Sa simpleng salita, tiyak matatambakan ng mga tuyong dahon ni Puno si Pichay na hanggang ngayo’y hindi malaman ng mga tagamerkado kung tao o gulay. Higit sa lahat, hindi naman maipasa ng misis ni Jose Pidal kay Lolo Ed Ermita ang silya ni Pagcor President Efraim Genuino kaya’t hanggang OWWA lang ang kayang ibigay kay Pichay. Kundi nagkakamali ang Spy, mas kursunada ni Pichay na maitanim sa Bureau of Custom (BOC) dahil ‘napakataba’ ng lupang kinalalagyan ni Mang Napoleon Morales. Kahit sukang-suka si DOF Sec. Gary Teves makapartner si Morales sa pagtarget ng tax collection, ito’y walang magawa dahil napakalakas ng backer. Sa tingin n’yo, ibibigay ng ‘Batangas Group’ ang BOC post, eh ‘di nabawasan ng tropa sina DOTC Sec. Larry Mendoza, Lolo Ed Ermita at lalo pang lalakas sa pagpasok ni ex-senator Ralph Recto sa NEDA, anumang araw bago ang SONA. Nariyan din ang grupo ni Lolo Johnny Enrile na nagpu-push kina Reynaldo Umali at Jess Aranza, ito ba’y kakayanin ni Boy Gulay? (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
2 comments:
Pareng Rey, something is wrong with your blog, putol iyong text sa bandang kanan... pakiayos naman at hindi ko mabasa column mo... Alam mo namang fan mo ako. hehehe!
Hindi pwedeng itanim si Pichay sa Customs at masyadong malapit sa dagat, malalanta kapag nasabuyan ng tubig alat. Wehehe!
Post a Comment