Bakit may kudeta? | |
Rey Marfil | |
|
Thursday, July 31, 2008
spy on the job july 31 2008 issue abante tonite
Wednesday, July 30, 2008
hulaan blues july 30 2008 issue abante tonite
Usec naglalaway sa PIO chief | |
(Rey Marfil) | |
|
Tuesday, July 29, 2008
spy on the job july 30 2008 issue abante tonite
Deal or no Deal | |
Rey Marfil | |
|
Monday, July 28, 2008
hulaan blues july 26 2008 issue abante tonitehttp://www.blogger.com/img/gl.align.full.gif
Lady solon mahilig mag-flirt sa matatandang boys | |
(Rey Marfil) | |
|
hulaan blues july 28 2008 issue abante tonite
Senador nainggit sa relief operations | |
(Rey Marfil) | |
|
Thursday, July 24, 2008
spy on the job june 24 2008 issue abante tonite
Saan tutubo si Pichay? | |
Rey Marfil | |
|
Wednesday, July 23, 2008
hulaan blues july 23 2008 issue abante tonite
2 gabinete namutla sa eroplano | |
(Rey Marfil) | |
|
Tuesday, July 22, 2008
spy on the job column july 22 2008 issue
Everybody happy! | |
Rey Marfil | |
|
Monday, July 21, 2008
hulaan blues july 21 2008 issue abante tonite
Presidentiable ‘napasukan’ ng dating adik (Last Part) | |
(Rey Marfil) | |
|
Sunday, July 20, 2008
hulaan blues july 19 2008 issue abante tonite
PRESIDENTIABLE 'NAPASUKAN' NG DATING ADIK (part 2)
Hindi simpleng kuwento ang pagpasok ng isang dating adik sa kampo ng presidentiable matapos madiskubreng madalian ang pag-upo bilang chief of staff (COS) ng Communication Group (Com-Group), kapalit ng nagbitiw na tauhan nito.
Sa report nakalap ng Tonite Spy, bago naibigay ang posisyon sa dating adik, kapalit ni ex-Undersecretary (Usec) nagsilbing chief of staff ng Com-Group, isang dating media handler ng incumbent cabinet Secretary ang kinausap ng presidentiable at inalok ang naturang posisyon.
Kung kalidad ng trabaho ang pag-uusapan, mas mahusay ang dating media handler ng isang Secretary kumpara sa dating adik na nagsilbing opisyal din ng Malacanang lalo pa't hindi nasangkot sa anumang eskandalo, katulad nangyari sa nabangit kung saan nakumpiskahan ng marijuana sa paliparan.
Bago naibigay ang posisyon sa dating adik, inalok ng P100 libong sahod ang dating media handler ng gabinete na kadalasang inu-offer sa mga magsisilbing timon sa special operation, as in minimum at standard ang presyo nito.
Bagamat mabababa ang alok, tinanguan ng dating media handler ng gabinete subalit nagmistulang kantang 'spaghetti' dahil bumababa sa P50 libo kada buwan ang offer ng presidentiable kung saan tinanggap pa rin ang trabaho hanggang tuluyang nauwi sa P30 libo.
Nang bumababa sa P30 libo ang buwanang sahod, nainsulto ang dating media handler ng gabinete kayat tinanggihan ang trabaho lalo pa't barya-barya lamang ang presyo at pang-consultancy ang arrive ng trabaho gayong magsisilbing chief of staff ng Com-Group ito.
Hindi maiwasang pagduduhan ng mga kurimaw na ginawang batayan ng presidentiable sa pagpili ng tauhan ang katungkulan ng dating adik bilang ex-Undersecretary (Usec) sa Malacanang, katulad din ng nag-resign nitong chief of staff na anak ng kilalang lider sa Upper House kung kaya't mas pinaboran ang kumag keysa media handler ng gabinete.
Ang masakit sa panig ng dating media handler ng gabinete, higit pa sa P100 libong sahod kada buwan ang ibinigay sa dating adik, sa pamamagitan ng isa pang nagsilbing gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ngayo'y nasa kampo ng presidentiable.
Friday, July 18, 2008
kartada 5 abante issue july 18 2008
SENADOR, NALIGAW SA MAPA NG ROMBLON
Kung may isang daldalerong senador ang nagkaligaw-ligaw sa Romblon province sa isinagawang relief operation, mas malupit ang ginawa ng isang kasamahang mambabatas dahil na-row four sa mapa ng lalawigan.
Sa halip matuwa si Mang Teban dahil ipinakita ng matandang senador ang sobrang concern sa sinapit ng mga taga-Sibuyan Island matapos lumubog ang barkong MV Princess of the Star, ito’y nabalutan ng pagkadismaya sa mambabatas.
Ang rason, kasing-linaw ng tubig-dagat sa Cresta de Gallo na pinaglubugan ng MV Princess of the Star ang pagiging ‘row four’ sa geography ng matandang senador, animoy absent nang pag-aralan sa Araling Panlipunan ang mapa ng Pilipinas.
Sa hangaring makapagpa-pogi sa publiko, sa pamamagitan ng pagsakay sa isyu, isang press conference ang ipinatawag ng matandang senador upang ipagmalaki ang nalalaman sa nautical issues, bitbit ang malaking mapa ng Pilipinas.
Sa puntong ito, nag-demonstrate ang matandang senador kung saan dumaan ang barkong MV Princess of the Star, maging ang mata ng bagyong Frank subalit sa kasagsagan ng press conference nagkaligaw-ligaw ang mambabatas at kamuntikan pang lumabas sa mapa ng Pilipinas ang explanation, as in umabot hanggang China Sea ito.
Hindi maiwasang pagtawanan ang matandang senador dahil nagkunyaring ‘super-henyo’ sa mapa ng Romblon gayong hindi man lamang nasayaran ng tubig-dagat sa lalawigan ang kanyang talampakan, as in hindi pa nakarating dito.
PIntahan nyo: Malapit nang mag-retiro sa pulitika at nakapahilig sumakay sa isyu ng matandang senador kahit paulit-ulit na sumi-semplang ang mga diskarte at nakukuryente sa mga impormasyon dahil sa sobrang alarmist nito. Ito’y napakatapang sa giyera subalit takot sa kanyang misis kung saan meron letrang ‘N’ sa kabubuan ng apelyido.
spy on the job july 17 2008 issue abante tonite
WALANG PATAWAD!
Ang reklamo ni Dick Gordon, pinupulitika ng ilang presidentiables ang relief donation at pagdalaw sa mga biktima ng bagyong Frank sa Visayas region at Romblon. Teka lang, anong tawag sa pag-iikot ni Gordon bilang chairman ng Philippine Red Cross,- ito ba'y wala rin kinalaman sa reelection bid sa 2010 election, maliban kung pinapa-praktis lamang ang kanyang boses sa bawat live interview sa mga local radio station o takot ma-food poison kaya't ibinubuka ang kanyang bibig sa pangambang 'mapanisan' ng laway at malunok kapag nanahimik?
Ang tanong ng mga kurimaw: si Dick lang bang may karapatan mamamahagi ng donasyon sa nasalanta ng bagyo, maliban kung naiingit sa ilang presidentiables dahil hanggang noodles lang ang kayang ibigay nito? Hindi katulad ng kanyang mortal enemy-si ex-President Erap Estrada, aba'y kalahating barko ng relief goods ang diniskarga sa Sibuyan Romblon. Ang nakakatawa lang, isa si Dick sa napaka-agang nagdeklarang tatakbong Presidente sa 2010 polls kahit kalunos-lunos ang pagiging consistent sa 2% sa lahat ng presidential survey pagkatapos ayaw nitong mahaluan ng pulitika ang pagtulong sa biktima ng bagyo.
Isa pang nakakatawa, si Mam Loren Legarda-Leviste, aba'y isa sa tatlong (3) absenero sa Upper House nakaraang 1st regular session, kasama sina Pong Biazon at katukayo ni Joselito Cayetano. Iyon lang, tila hindi matanggap ni Loren Sinta sa himig ng kanyang press statement ang kahihiyang natanggap at ipinagmamalaki ang accomplishment sa media, eh hindi naman padamihan ng proposed bill ang labanan kundi kung ilan ang naaprubahan. Kaya nga meron 'QC mark' sa bawat produkto, as in quality control. Sakabilang banda, hindi dapat malungkot si Mam Loren dahil mas malalala ang kaibigang si Edong Angara- ito'y numero unong biyahedor sa loob at labas ng bansa. Hindi bale si Aling Miriam Santiago, kahit maakusahang counterpart ni Marco Polo at Christopher Columbus, napaka-importante sa lady solon ang mag-excursion sa abroad, aba'y gumaling ang sakit kapag nakakalanghap ng ‘imported air’ at mas malupit dumepensa sa Malacanang.
@@@
Humigit-kumulang 800 pasahero ang nasawi sa paglubog ng MV Princess of the Star at patuloy nanangis ang pamilya dahil walang pag-asa pang makita ang labi ng mga kaanak, hindi kabilang ang libu-libong residenteng 'napeste' at nawalan ng kabuhayan sa Sibuyan island, maging kalapit lalawigang apektado ng 'fishing ban'. Ang masakit, wala rin patawad ang ilang kasamahan sa media at kinalimutan ang propesyon, katulad ang misyong hanapin ang katotohanan sa bawat eskandalong nabubunyag dahil sila mismo ang tumulong upang pagtakpan ang kapalpakan at kasalanan ng Sulpicio Lines.
Hindi natin babangitin ang pangalan pero isang grupo ng mediamen ang may hawak sa media blitz at pagpapa-pogi sa imahe ng Sulpicio Lines, as in timon sa media operation para harangin ang negatibong news report laban sa kumpanya. Mantakin nyo, halos lahat ng malalaking PR firm, tinanggihan ang malaking 'offer' ni Banker pero iba ang grupong ito, aba'y walang patawad. Ang nakakasuka, karamihan dito'y nag-opisina sa National Press Club (NPC) at nagsilbi pang opisyal. Ang pinakamasakit sa mga taga-Romblon, isang kababayang reporter ang hindi man lamang kinilabutan sa sinapit ng mga pasahero at hindi rin inisip kung anong nangyari sa kanyang mga ka-lalawigan na nabubuhay sa pangingisda dahil isa sa tumatayong timon sa media operations ng Sulpicio Lines.
Sa isang mediamen, hindi masama ang kumita hanggat legal at karapatan din ng Sulpicio Lines mabigyan ng tamang espasyo sa pahayagan. Ang kasuklam-suklam lang, bakit mismong mediamen na magtatangol at sandalan ng mga naapi ang bumabaluktot sa katotohanan. Sabagay, sa sobrang taas ng bilihin at walang katapusang pagbulwak sa presyo ng gasolina, hindi rin masisisi ang ilang mediamen kung mauuwi sa ‘pera-pera’ ang labanan. Ang tanong lang: nasaan ang inyong konsensiya, maliban kung ‘dehins goli’ gamit ang safeguard. Kahit itanong nyo pa kina ex-PBS President Ding Gagelonia, Bulletin reporter Roy Mabasa at ex-Inquirer reporter Arman Nocum, maging kay ex-Philippine Star reporter Nick Ferrer na tubong-Odiongan Romblon!
Wednesday, July 16, 2008
hulaan blues july 16 2008 issue abante tonite
Presidentiable ‘napasukan’ ng dating adik (Part 1) | |
|
Tuesday, July 15, 2008
spy kolum july 15 2008 tonite issue
MAAWA KA SA ROMBLON, NONOY!
Kundi naging maagap ang local officials, sampu ng media, hindi naging mabilis ang pag-aksyon ng national government sa nangyaring typhoid outbreak sa Romblon, Romblon. Kaya't abot-langit ang pasasalamat ng mga Romblomanon kay Vice President Noli De Castro Jr.- ito'y kaagad umaksyon at nagpadala ng Medical Team noong Hulyo 12, araw ng Sabado, sa pamumuno ni Philippine Army (PA) chief Delfin Bangit. Hanggang ngayon, nasa Romblon town ang 11 doktor at medical technician upang suyurin ang buong munisipalidad sa medical mission at ma-kontrol ang posibleng typhoid outbreak. At ngayong Martes, inaasahang pabalik ng Maynila ang medical team.
Sa kaalaman ng sambayanang Pilipino, ultimo bulak sa Romblon District Hospital- ito'y binibili ng pasyente kaya't maraming pasyente ang nadidisgrasya, as in walang medisina at kapos sa doktor. Kung hindi naging maagap nina Mayor Gerard Montojo, Councilor Benjie Mayor, sampu ng local officials, posibleng lumala ang typhoid outbrek sa munisipalidad. In fairness kay Cong. Budoy Madrona, ito'y halos mamalimos sa national government upang pondohan ang rehabilitasyon ng ospital at maibigay ang karampatang health services sa nasasakupan. Ang masakit lamang, kakaunti ang registered voters sa Romblon province kaya't marahil hindi pinapansin ng mga kampon ni Mrs. Arroyo.
Mantakin nyo, kahit simpleng pagpapa-ultra sound lamang, aba'y kailangan pang lumuwas ng Maynila ang isang pasyente habang ang x-ray machine kung hindi madalas masira, walang magbabasa ng resulta o kaya'y walang technician. Kahit itanong nyo pa kay dzBB reporter Carlo Mateo nakarating ng Romblon District Hospital, kasama ang medical team ng Philippine Army. Bagamat kulang, isa pa rin magandang balita ang P5 milyong ibinigay ni DBM Sec. Rolando ‘Nonoy’ Andaya III para pambili ng aparatus at iba pang kagamitan sa Romblon District Hospital-ito'y hiningi ni Madrona, sa pamamagitan ni De Castro. Kaya't panawagan ng mga taga-Romblon, baka puwede dagdagan ni Andaya, isama nyo na rin ang pondo sa imprastraktura lalo pa't sira-sira ang mga eskuwelahan at kalsada!
@@@
Kung susuriin ang tama ng bagyong Frank, kasing-lupit sa sinapit ng mga taga-Iloilo ang nangyari sa Romblon town. Masakit man sabihin at baka isiping nakikipag-kompetensiya ang capital ng probinsiya sa donasyong natatanggap ng mga taga-Sibuyan Island- ang pagtanggal sa barkong MV Princess of the Star ang problema ni San Fernando Mayor Nanneth Tansingco subalit subukan ikutin ang buong Romblon Town, kasama si Mayor Montojo, ewan lang kung hindi tumulo pati uhog ng sinumang ipapadalang sugo ni Mrs. Arroyo kapag nakitang putol ang kalsada, warak ang kabahayan at nilamon ng alon ang mga bangka ng mga mangingisda, maliban kung manhid sa trahedya ang Malacanang.
Kaya't saludo ang mga Romblomanon kay DA Sec. Arthur Yap, aba'y nagtiyagang bumiyahe ng Romblon, sakay ng barko para personal nitong tingnan ang tama ng bagyong Frank. Higit sa lahat, napakalaking tulong ang livelihood ibinigay ni Yap sa mga mangingisdang apektado sa paglubog ng MV Princess, katulad ng baboy, manok at kambing. Ang nakakadismaya, tila hindi interesado sa typhoid outbreak si Department of Health (DOH) Sec Francico Duque dahil isang sugo lamang ang dumating sa Romblon, Romblon upang i-asses kung bakit kalahati sa 700 mag-aaral ng Romblon East Central School ang nakakaranas ng high-fever gayong ilang araw itong nagpa-press release na darating.
Anyway, nagpapasalamat din ang mga taga-Romblon sa ipinadalang donasyong noodles at can goods ni senate minority floor leader Aquilino 'Nene' Pimentel Jr., sa office ni Mayor Montojo at inaasahang magpapadala ng gamot at medisina si senador Panfilo 'Ping' Lacson. At anumang araw ngayong linggo, posibleng dumalaw si Vice President De Castro, ewan lang kung matutuloy si Senate President Manuel Villar Jr., lalo pa't kaibigan ni Cong. Budoy ito? Iyan ang ngayon misyon ni Miss Avic Amarillo, as in dalaga po siya at handang tumanggap ng suitors!
Monday, July 14, 2008
hulaan blues july 14 2008 issue abante tonite
SENADOR, NAPIKON SA PAGIGING BULAKBOL!
Sa halip magsilbing leksyon ang pagiging isa sa nakapagtala ng pinakamaraming absent nakaraang 1st regular session, labis ikinapikon ng isang miyembro ng Upper House ang pagkakabansag bilang absenero at bulakbol sa pagdalo ng sesyon.
Kung patay-malisya lamang ang ilang kasamahang nabansagang absenero dahil kasalanan naman ang pag-absent sa sesyon, hindi matanggap ng isang senador ang pagkaka-semplang sa attendance record ng Upper House matapos mapabilang sa mga bulakbol, patunay ang paghahanap ng katwiran upang idepensa ang sarili nito.
Isang araw makaraang lumabas sa peryodiko at mai-report sa radyo ang attendance sheet nakaraang 1st regular session, katumbas ang 88-session days, nasaksihan ng Tonite Spy kung paano umusok ang ilong at tainga ng senador sa tindi ng pagkapikon at galit sa mga reporter.
Ang matinding revelation sa lahat, kaagad naghanap ng mapagbibintangan ang senador, sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga kaibigang mediamen kung sino ang ponente sa paglabas ng tally sheet, kasabay ang pagdududang itinitimo ng isang presidentiable ito.
Isa sa pinagbibintangan ng senador bilang mastermind sa paglabas ng attendance sheet, walang iba kundi ang isa sa posibleng makakalabang presidentiable sa 2010 national election, as in abot-Aurora province ang insecurity ng mambabatas lalo pa't sangkaterba ang pera ng huli kumpara dito.
Lingid sa kaalaman ng senador, isang lehitimong dokumento ang nakuhang attendance sheet at rekord ng Senate reporters tungkol sa absences ng mga mambabatas kung saan aksidenteng isa ang kumag sa pinakamaraming liban o pagbubulakbol sa sesyon.
Sa hangaring makabawi sa kahihiyang inabot bilang isa sa bulakbol, kaagad naglabas ng propaganda ang mambabatas sa pamamagitan ng press statement at ipinagmamalaki ang magandang nai-ambag sa Upper House nito.
Hindi pa nakuntento sa press statement, nagpakalat din ng text brigade ang kampo ng senador upang palabnawin ang naglabasang balita tungkol pagiging bulakbol sa sesyon, as in muling napakinabangan ng kanyang PR manager ang mga pinakyaw na SIM card sa Greenhills San Juan.
Thursday, July 10, 2008
july 10 2008 spy on the job column
IBOYKOT ANG SULPICIO LINES!
Isang malaking katanungan kung ano sa buhay ni senador Edong Angara si ex-UN envoy Lauro Baja, aba’y napaka-emotional nang ‘bespren’ ni Loren Sinta sa kasong exploitation isinampa ng isang Pinay maid sa Amerika. Ang tanong: 24/7 bang ka-jamming ni Angara si Mang Lauro, sampu ng asawa at anak para malaman kung anong aktibidades ng dating opisyal, eh wala naman sa loob ng Bahay ni Kuya para natutukan ng camera?
Sa isang ‘honorable person’, nasaan ang pagtitiwalang ibinigay kay Angara ng humigit-kumulang sa 12 milyong Pinoy noong 2007 election, aba’y iisang tao ang pinaniniwalaan ng bespren ni Loren Sinta at hindi man lamang tinanong ang Pinay maid na kumakatawan sa milyon-milyong OFW’s na nangibang-bayan dahil walang oportunidad sa Pilipinas bago hinusgahan!
Ni sa panaginip, ayokong isiping frustration ni Angara ang magkaroon ng sariling publication. Mantakin nyo, tinuturuan si Letty Magsanoc ng Inquirer sa pagpili ng banner story. Ang sabi ni Edong ‘ Sana hindi na binigyan ng publicity ang ganoong klaseng habla sapagkat di naman extraordinary yung hablang yon at sana hindi pino-frontage yan at unang-una bago ipalabas sa media kasabay na rin ang paliwanag ni Ambassador Baja’. Aba’y kailan pa naging publisher at editor-in-chief si Angara ?
@@@
Ibinaba ng ABS-CBN, Channel 2 ang tatlong (3) buwang suspension laban kay Ms. Ces Orena-Drilon. Ang rason: nilabag ng lady reporter ang panuntunan ng istasyon-ito’y may kinalaman sa Jolo Sulu coverage kaya’t dinukot ng bandidong Abu Sayyaf. Sa memo inilabas ni ABS-CBN and Current Affairs chief Maria Ressa, malinaw ang katagang ‘accountable for the grave consequences of her error in judgment’ laban kay Ms Drilon.
Ang tanong ng mga kurimaw sa Dian St., Brgy. Palanan Makati City, sampu ng namakyaw ng sim card sa Greenhills, anong aksyon ang gagawin ni SP Manny Villar sa bespren ni Angara-si Loren Sinta lalo pa’t nakialam sa negosasyon at inaming ‘contact’ nang mag-amang Isnaji na itinuturong ‘mastermind’ sa Drilon kidnapping. Kaya bang suspendehin ng 3-months ni Pia Cayetano-Sebastian bilang chairperson ng ethics committee si Loren Sinta? Take note: mismong lady solon ang nagkumpirmang isang Chinese businessman ang umareglo ng P15 milyon. Sobra naman yatang galante nang ‘friend’ ni Mam Loren, baka puwedeng makilala ng mga taga-Sibuyan Romblon baka sakaling maambunan ng relief goods ang mga ito!
@@@
Napag-usapan ang mga residente ng Sibuyan Romblon, anong ginagawa ng humigit-kumulang dalawampung (20) ‘Romblomanon mediamen’ naka-base sa Metro Manila para kalampagin ang Sulpicio Lines, sampu ng government officials naka-puwesto sa Malacanang. Nakakalungkot isipin, ginagawa na ngang timawa ang probinsiya sa relief goods at financial assistance, wala pa rin pumipiyok laban sa Sulpicio Lines.
Kung mga kurimaw ang tatanungin, hindi sapat ang kasong isasampa ni San Fernando Mayor Naneth Tansingco sa Sulpicio Lines kundi dapat hinahagisan ng dimata tuwing dadaan ng Sibuyan Island at ipakain sa pating ang mga dispalinghadong tauhan upang magtanda. Ang masakit, pagkain ng preso ang ipinadalang relief goods ng Sulpicio Lines- ito’y insulto sa aking mga kababayan gayong makakain ng sariwang isda kundi sumadsad ang kanilang barko sa bahura dahil sa katangahan ng kapitan!
Wednesday, July 9, 2008
hulaan blues july 9 issue abante tonite
PORK BARREL, NAMIMI-MISS NG EX-SENATOR!
Taliwas sa deklarasyong magbabalik-Senado para kumpletuhin ang mga naiwang legacy at ipagpatuloy ang advocacy bilang solon, walang ibang motibo ang isang dating senado kundi tapusin ang nakabinbing kontruksyon ng bahay nito.
Sa report nakalap ng Tonite Spy, ikinunsidera ng dating senador ang pagbabalik sa posisyon dahil sobrang namimi-miss ang humigit-kumulang P200 milyong pork barrel kada taon taliwas sa naunang deklarasyong magre-retiro at magbabantay na lamang ng kanyang mga apo ito.
Ang rason, hindi namimi-miss ng matandang ex-senator ang trabaho sa Upper House, katulad ng madalas nitong bukambibig sa mga kaibigan at dating ka-trabaho kundi ang komisyon sa multi-bilyon pisong pork barrel tinatanggap kada taon, patunay ang pagpapatayo ng sariling bahay sa mga anak nito.
Sa panahon ng panunungkulan bilang deputado sa loob ng labing-dalawang (12) taon, wala naman napatunayan ang matandang ex-senator, katulad sa paglikha ng matitinong batas kund nagpapa-cute lamang sa camera subalit naipatayo ng bahay ang mga anak sa Ayala Alabang.
Maliban sa pagpapa-cute sa camera, katulad ang mga walang katapusang pagpapa-kenkoy sa mga interbyu, wala din naambunan ng pork barrel ang matandang ex-senator dahil ipinagbabawal ang manghingi ng medical at financial assistance sa office nito.
Nang mabakante sa puwesto at maranasang mahiwap ang tambay sa kanto, napagtanto ng matandang ex-senator kung gaano ka-importante ang pork barrel sa kanyang pamilya lalo pa’t walang ibang bread and butter ang kumag kung kaya’t ikinunsidera ang pagbabalik sa katungkulan.
Sa hangaring mabigyang katwiran ang pagbabalik sa Upper House, kinasangkapan ng matandang ex-senator ang nakabinbing proyekto sa kaniyang lalawigan na kailangang tapusin, partikular ang ospital na ipinagpatayo ng mokong gayong komisyon sa pork barrel ang tunay na motibo nito.
Tuesday, July 8, 2008
july 8 2008 spy on the job column
SIBAKIN SI DUQUE!
Hindi 'sorry' ang kailangan ng mga taga-Romblon sa iresponsableng deklarasyon ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque tungkol sa pagbabawal kainin ang mga isda kundi resignation, aba'y paulit-ulit ang kapalpakan ng kampon ni Mrs. Arroyo. Kung puro 'alarmist' ang nakukuhang gabinete, katulad ni Duque, hindi nakakapagtakang nagkakasabit-sabit ang administrasyon. Mantakin nyo, nasa Sibuyan Romblon lumubog ang MV Princess of the Star, isinama lahat sa ban ang dalawa (2) pang major island- ang Tablas at Romblon, Romblon.
Sa kaalaman ng publiko, dalawang (2) oras ang biyahe mula Sibuyan Island patungong Romblon, Romblon- ang capital ng lalawigan. Hindi rin naglalayo ang distansya sa Tablas . Katarantaduhan kung tatawid ng tatlong (3) isla ang mga isda, maliban kung kasing dunong ni Duque gumawa ng senaryo ang mga lapu-lapu sa Sibuyan Island . Sa madaling salita, pinalala ni Duque ang paghihirap ng aking mga kababayan na kamuntikan pang kinalimutan sa relief operation, as in 'tira-tira' lamang ang ibinigay ng gobyerno kumpara sa malalaking lalawigang sinalanta ni Frank. Sabagay, mas malaki nga naman ang registered voters sa Iloilo . Kahit itanong nyo pa kay Ninang Ching Suva nagdiriwang ng kaarawan noong Hulyo 6.
Ika nga ni Paranaque Cong. Roilo Golez na tubong Looc Romblon, anong aasahan kay Duque, eh makailang-beses nang pumalpak ang gabinete. Isang halimbawa ang Guimaras oil spill, hindi ba't kung anu-anong pananakot ang natikman ng mga residente kaya't lumawak ang problema. Balikan ang Guimaras Island ngayon, ito'y nanunumbalik sa normal at hindi tumama ang mga prediksyon ni Duque. Ibig sabihin, hindi nakakatulong ang pagiging 'alarmist' ni Duque kaya't mas makakabuting sibakin ni Mrs. Arroyo at palitan ng matinong gabinete. Subukan kaya ni Duque tumira ngayon sa Romblon, ewan lang kung tatagal sa pagkain ng ‘gamos’ (bagoong) at balinghoy (kamoteng kahoy) dahil ipinagbawal nitong kainin ang mga lamang-dagat dito!
@@@
Bago ang Guimaras oil spill, sumikat ang pangalan ni Duque sa pag-divert ng OWWA fund noong 2004 election- ito'y kinasangkapan ni Mrs. Arroyo sa Philhealth card, gamit ang pondo ng overseas Filipino workers (OFW's) kaya't nabiyayaan ng napakagandang puwesto sa gobyerno, katulad din ng ilan pang 'Garci generals' ngayo'y nag-i-enjoy sa 'lucrative department' at bingi sa mga batikos. Talagang ganyan ang buhay, nabibiyayaan ang mga mababait at masunurin kay Mam. Anyway, pagkatapos ng termino ni Mrs. Arroyo, magiging mabenta ang 'ENT Doctors' dahil dumami ang bingi, umikli ang dila at nagsihabaan ang ilong ng mga gabinete ni Mrs. Arroyo para takpan ang mga eskandalong naganap.
Ni sa panaginip, ayokong isiping bahagi ng propaganda ni Duque ang maging alarmist tungkol sa kalagayan ng mga taga-Romblon upang pag-usapan sa media lalo pa't matunog bilang senatoriables ng Malacanang sa 2010 election. Hindi malayong ambisyunin ng gabinete ang ma-jamming si Leon Guerrero sa Upper House, eh pati diskarte ni dating senador Juan Flavier, katulad ang pag-astang kenkoy sa infomercial, ito'y ginagaya ng opisyal para lamang mag-marka ang kanyang pagmumukha. Sa malamang, laking pasalamat ni Duque ng mauso ang dengue, aba'y araw-araw lumalabas ang kanyang commercial!
Maliban sa planong pagtakbong senador, si Duque ang 'hinihimas' ni Mrs. Arroyo na ‘pamato’ sa Pangasinan upang pabagsakin ang pamilya ni ex-House Speaker Jose De Venecia Jr. Kaya’t sinuman kina Manay Gina at Joey De Venecia ang ilalarga ni Tenga, kailangang paghandaan ang pagbuhos ng pera ni Mam. Ang kagandahan lang, mapapaaga ang pag-goodbye ni Duque sa DOH dahil kailangang mag-concentrate sa congressional district ni De Venecia at mapapadali ang pag-upo ni ex-senator Tessie Aquino-Oreta (TAO) sa DOH na ipinagpasalamat at hindi nagsisimula sa letrang ‘E’ ang napangasawa!
Monday, July 7, 2008
hulaan blues july 7 2008 issue abante tonite
BIKTIMA NG KALAMIDAD, GINAWANG 'DAING' NG SENADOR
Katulad ng kasabihang 'mahirap ituwid ang matandang sanga' muling nang-agaw eksena sa isang relief operation ang isa sa tinaguriang 'The Late Senator' matapos paghintayin ng kahalating oras ang mga residenteng naghahangad ma-ambunan ng konting tulong mula sa opisina nito.
Sa report nakalap ng Tonite Spy, hindi lamang namuti ang mga mata ng mga residente sa isang lalawigang binisita ng daldalerong senador bagkus nabilasa sa init ng araw at kamuntikan pang naibenta sa palengke at nailako sa kalsada dahil nagmukhang daing ang mga ito.
Ang nakakalungkot sa lahat, lalo pang nagmukhang timawa, as in hampas lupa ang mga residente ng isang lalawigan sa Region 4 dahil ilang oras pumila sa gitna ng matinding sikat ng araw para lamang makakuha ng relief goods, katulad ng sardinas at ilang kilong bigas na isasaing upang pagsasaluhan sa hapag kainan ng buong pamilya.
Sa orihinal na iksedyul, nakakatakdang lumapag ang sinasakyang chopper ng daldalerong senador, ganap alas 8:00 ng umaga kung saan maaga itong nagpa-anunsiyo sa gagawing relief operation, hindi lamang sa mga residente ng munisipalidad kundi sa mga radyo at telebisyon, maging sa print media.
Sa hangaring mauna sa pila at makasiguro sa relief goods, halos alas 6:00 ng umaga, dumagsa sa aplaya ang mga residente ng munisipalidad subalit habang tumatakbo ang oras, hindi pa rin nasilayan kahit isang pakpak ng helicopter na sinasakyan ng daldalerong senador.
Pasado, alas 12:00 ng tanghali, hindi pa rin dumarating sa lalawigan ang daldalerong senador at karamihan sa mga residente, idinadaing ang pagkagutom lalo pa't hindi nakapag-almusal at ilang oras nang nakabilad sa sikat ng araw kung saan ilan dito'y nagsi-uwian para kumain at bumalik lamang sa pila.
Katulad ng pagkakabansag bilang 'the late senator', halos tapos nang pananghalian ng ilang mga residente sa munisipalidad nang lumapag ang helicopter ng daldalerong senador kung kaya't malapit nang magmukhang daing at tinapa ang mga residenteng nakapila para sa kakapirangot na relief goods.
Maging sa text messages, kumalat din ang pagiging 'the late senator' ng daldalerong senador matapos mapikon ang mga reporter nag-cover sa event kung saan hindi maitago ng mga mamamahayag ang matinding awa sa mga residente ng lalawigang binisita ng mga ito.
Sunday, July 6, 2008
hulaan blues july 5 2008 issue abante tonite
ASAWA NG SENADOR, NAG-SORRY SA PAGWALA NG BIYENAN!
Lalo pang napatunayang mapagmataas at may angas sa katawan ang ina ng isang bagitong miyembro ng Upper House matapos i-asa sa manugang ang paghingi ng ‘sorry’ sa misis ng guwapitong solon na kanyang tinalakan at pinagmumura sa entrance lobby ng isang mall sa Alabang noong Hunyo 30.
Sa report nakalap ng Tonite Spy, walang direktang paghingi ng paumanhin ang ina ng bagitong senador sa misis ng kasamahang mambabatas bagkus idinaan sa kanyang manugang ang pagsasabi ng katagang ‘sorry’ gayong wala naman kasalanan at kinalaman sa gulo ito.
Napag-alaman pang nagkayayaang manoob ng sine ang mag-asawa sa Town Center, partikular ang guwapitong solon at kanyang misis kung saan eksaktong pasakay ng service vehicle nang ma-traffic ang ina ng bagitong senador sa entrance lobby na dahilan upang magwala ito.
Isang araw makaraang lumabas sa ‘Hulaan Blues’ ang pagwawala ng ina ng bagitong senador sa lobby ng Town Center noong Hunyo 30, alas 5:30 ng hapon kung saan pinagmumura ang mga guwardiya, maging asawa ng gueapitong solon, kaagad tumawag sa kampo ng kasamahang mambabatas ang una.
Natakot ang kampo ng bagitong senador sa mga negatibong epekto sa kaniyang opisina kapag lumaki ang isyu lalo pa’t ipinangalandakan ng kanyang ina sa looby ng hotel ang katagang ‘I’m the mother of Senator......’ sabay balibag sa pintuan ng kaniyang sasakyan
Likas naman sa bagitong senador ang kaibaitan kaya’t katakot-takot na sorry ang hiningi sa kampo ng guwapitong solon, kasabay ang depensang inoperahan sa ulo ang kanyang ina at posibleng apektado ng gamot ang pag-iisip nito.
Katulad ng bagitong senador, wala naman masamang tinapay sa guwapitong solon at hindi lamang kaibigan kundi kapartido ang kasamahan mambabatas sa Upper House kung kaya’t mabilis tinanggap ang pag-sorry sa inasta ng kanyang ina.
Maliban sa pag-sorry ng bagitong senador, mabilis din tinawagan ng kanyang misis ang kasamahan sa Senate Spouses, partikular ang commander-in-chief ng guwapitong solon na tinalakan at pinagsisigawan ng ina nito.
Bilang pagpapakita ng senseridad, isang cake ang ipinadala ng manugang ng bagitong senador sa bahay ng guwapitong solon sa Alabang Makati kung saan naka-address sa pangalan ng kanyang misis at kaagad naman tinanggap ang pakikipag-kiss and make-up ng mga ito.
Clue: Hindi naman matatawaran ang kakayahan ng bagitong senador sa paglikha ng batas bago pa man nakarating sa Upper House at mala-Zorro ang ‘arrive’ ng political ads habang kilalang personalidad ang mag-asawang tinalakan ng kanyang ina. Meron letrang ‘V’ ang ina ng bagitong senador habang letrang ‘A’ ang misis nito.
Friday, July 4, 2008
july 4 2008 abante issue
ANAK, NAHAWA SA KABADINGAN NG AMANG SOLON
Katulad ng kasabihang ‘kung anong puno, siya ang bunga’ at ‘hindi maaring mamunga ng santol ang punong mangga’, nagkahawa-hawa sa kabadingan ng ama ang kanyang anak.
Bagamat lalaking-lalaki at umaalingawngaw ang boses kapag nagsasalita ng katagang ‘Pre’, nag-iiba ang tono ng mag-ama kapag mga kauri sa pederasyon ang kausap at hindi malayong makipag-unahan sa pila para i-avail ang same-sex marriage, katulad nangyayari sa Amerika.
Hindi maiwasang masuka ni Mang Teban matapos madiskubreng nahawa sa kabadingan ng ama ang kanyang anak, patunay ang pagkakaroon ng karelasyong lalaki sa kanilang probinsiya.
Ang matinding revelation sa lahat, nagawa pang pondohan ng anak ng daldalerong solon ang kandidatura ng isang local officials noong 2007 election upang ipakita ang matinding pagmamahal sa karelasyong kelot subalit sumadsad sa final tally ito.
Bago pa man nadiskubreng ‘Badinger-Z’ ang anak ng daldalerong solon, makailang-beses naging laman ng blind items ang pakikipag-relasyon ng mambabatas sa ilang hunks, kabilang ang dalawang (2) nalaos na action star.
Deklaradong ‘dual citizenship’ ang daldalerong solon, as in Half-Filipino at Half-Filipina kung kaya’t pinagduduhang naimpluwensiyahan lamang ang anak sa kasabihang ‘kung anong ginagawa ng matanda, ito’y nagiging tama sa mata ng bata’.
Pintahan nyo na: Dating konsehal sa kanilang lalawigan ang anak ng daldalerong solon subalit natalo at nag-desisyun itong patakbuhin at pondohan ang karelasyong kelot habang saksakan ng ingay sa floor ang mambabatas at madalas nagkaka-flash flood ng laway sa mga deliberation.
Thursday, July 3, 2008
july 3 2008 spy on the job column
PUWESTUHAN PA LANG!
Napakaaga ang labanan sa media operation ng ilang presidentiables, katulad ng text brigade para pabanguhin ang imahe ng kanilang amo. Ang nakakatawa lamang, maaga din nagkakaturuan kung sino ang suspek sa demolition job- isang halimbawa ang komprontasyon sa pagitan ng dalawang (2) PR group. Bago pa man nanalasa si Lolo Frank, laman ng text brigade ang kabayanihan ng isang presidentiable. Ang nakakasuka lang, sobrang adelantada ng presidentiable at maagang kini-claim ang panalo sa 2010 election. Nang lumabas ang nakaka-insultong 'counter-text', ito'y labis ikinapikon ng presidentiable.
Sa puntong ito, pinagbintangan ng adelantadang presidentiable ang kampo ng isa pang presidentiable. Ang rason: ilang news editor at columnist ang nagkaroon ng forward messages mula sa isa sa mga media handler ng kalabang presidentiable kaya't inakalang 'ponente' ng demolition job ito. Mas lalo pang nanggagalaiti sa galit ang adelantandang presidentiable at pinabitangan ang kalabang presidentiable dahil malapit ang isang bagitong senador sa mga taong binabangit sa text brigade. Ganyan ka-praning ang kampo ni 'Mr. W' kahit forward messages lamang ang ipinadala ni 'Manong J'. Anyway, namakyaw ng SIM card ang kampo ng adelantadang presidentiable para sa text brigade kaya't huwag ipagtaka kung wala nang maibenta sa Greenhills!
@@@
Malayo pa ang 2010 kaya't marami pang pagbabago sa listahan ng mga presidentialbe, katulad ng boypren ni Korina Sanchez-si senador Manuel Araneta-Roxas II, as in MAR for short- ito'y dalawang (2) beses umatras sa senatorial race, partikular noong 1998 at 2001. Ibig sabihin, mahina ang loob sa pulitika at mahirap paniwalaan kung itutuloy ang plano lalo pa't lagapak sa alinmang presidential survey gayong matatag ang partidong Liberal. Kapag nagkamali ng desisyon si Mr. Palengke, ito'y tatlong (3) taong pahinga. Sabagay, mas 'type' ni senate pro-tempore Jinggoy Estrada tumakbong Presidente si Roxas, aba'y mababawasan ang kalaban sa No. 1.
Katulad ni Roxas, malabo din 'kagatin' ni Jinggoy ang pagiging running mate ni Senate President Manuel Villar Jr. Sa ngayon, maituturing na 'runaway winner' si Chiz Escudero sa Vice President at huwag lang lumaki ang kanyang ulo para ambisyunin ang Presidente, ito'y siguradong makakarating ng palasyo sa 2016. Kapag natalo si Jinggoy, ito'y pahinga din ng tatlong (3) taon at binigyan lamang ng ‘pases’ na maka-upo sa highest position ang kanyang half-brother-si San Juan Mayor JV Ejercito. Take note: mas malalim pa sa pinaglubugan ng MV Princess of the Star ang away ng magkapatid. Sa tingin nyo, papayag si Jinggoy na maisahan at masingitan sa Upper House, eh di pinagtawanan ang senador ng mga kalaban sa San Juan . Kahit itanong nyo pa kay Cong. Ronnie Zamora !
@@@
Napag-usapan ang partido, mas makakabuting huwag nang ituloy ni senador Ping Lacson ang pagpasok sa PDP-Laban dahil malalagay lamang sa alanganin ang pagtakbo sa 2010. Napaka-loyal ni Mayor Jojo Binay kay ex-President Joseph 'Erap' Estrada, katulad din ni Mayor Fred Lim. Kung anong sasabihin ni Erap sa pulitika, ito'y susundin ng dalawa, eh paano susuportahan si Lacson ng PDP-Laban kung iba ang manok ni Erap? Take note: gusto rin tumakbong Presidente ni Erap at sino si Lacson sa buhay ni Binay para paboran. Kung si senador Nene Pimentel ang masusunod, siguradong si Lacson ang kakampihan. Iyon nga lang, si Binay ang may pera at 'siga' sa PDP-Laban!
Hindi pa huli ang lahat kay Lacson upang mag-back out, bakit hindi ikunsidera ang Reporma Party ni dating Defense Sec. Renato De Villa o kaya'y Aksyon Demokratiko ni Inang Guro Sonia Roco- ito'y maaring palakasin at magkaroon ng coalition, katulad ng Lakas-Kampi merger. Ibig sabihin, isa rin ang 'suma-tutal' kapag pumasok sa bagong partido si Lacson-ito'y gagastos bilang timon at kapareho din ang expenses kahit mapunta sa PDP-Laban. At least, si Lacson ang siga sa Reporma at hindi nakasandal sa balikat ni Erap!