Nakakalungkot isiping sa loob mismo ng bakuran ni Senate President Juan Ponce Enrile nagkakalat ng dumi ang ilang tiwaling opisyal ng Upper House, pinaka-latest ang ma-anomalyang pagbili ng P2.3 milyong camera recorders (Sony Camera) na nabisto ni Sen. Ping Lacson at hindi man lamang natakot gayong ‘Stop Kurakot’ ang campaign slogan nito.
Kung sino man ang ‘mastermind’ sa maanomalyang camera recorders, mas makakabuting mag-resign keysa walang makuhang retirement fee. Mantakin n’yo, tatlong unit ng camera recorders, binili sa halagang P395 libo gayong P150 libo hanggang P175 libo sa ibang supplier at baka meron pa ngang libreng hopia!
Hindi natin babangitin kung sino ang tinutumbok ng imbestigasyon pero nakakagulat ang nadiskubre ng Spy, isang napaka-pangit na apartment ang address ng nagpakilalang supplier sa biniling camera ng Public Relation and Information Bureau (PRIB) at naglahong parang bula, isang araw makaraang pa-imbestigahan ni Sen. Ping (committee on accounts chair) ang pagbili ng tatlong camera recorders.
Take note: Hindi nagbibiro si Lolo Johnny dahil saksi ang Senate reporters kung paano nag-init ang ulo nang madiskubreng napalusutan ng ilang tiwaling Senate employees. Mahigpit ang tagubilin ni Lolo kay Sen. Ping, ‘kahit piso o P100 ang ipinatong, ito’y pinasisibak at pinagbalot-balot ng mga gamit’!
Lingid sa kaalaman ng publiko, ilang director ang tumatanggap ng P70 libo hanggang P180 libong allowance kada buwan, hindi pa kasali ang ilang perks kapag meron ‘maimpluwensyang nakakausap’ at nagla-lobby sa Upper House. Kaya’t hindi ipinagtataka ng mga kurimaw kung maraming ‘nagpapa-alila’ at umaaktong utusan sa foreign trip kahit ilang pang bagahe ang hila-hila, huwag lamang maalis sa kapangyarihan.
Ibig sabihin, hindi masisisi sina Lolo Johnny at Senator Ping kung ma-bad trip, aba’y lahat ng benipisyo at ikagagaan sa buhay ng mga Senate employee, ito’y ipinagkaloob pagkatapos hindi makuntento sa walang katapusang wage hike!
***
Napag-usapan ang imbestigasyon, bumuo ng komite ang Senate leadership upang tanggalan ng maskara kung sinong miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) ang ‘kumita’ sa transakyon, tanging concern ng isang Secretariat insider- pawang malalapit sa isang Director na natutumbok sa imbestigasyon ang dalawang tauhan ng investigating body.
Isa pang nakakapagtaka, makailang-beses nang sumabit sa eskandalo ang director at nasuspendi sa kahalintulad na kaso, ito’y nakabalik at binigyan pa ng mas mataas na posisyon. Ibig sabihin, malakas ang kapit kaya’t hindi masibak-sibak. Teka lang, hindi kaya obsession ni Director ang mag-ala Hayden Kho, aba’y napakahilig sa camera?
Ang pinaka-latest report, meron nakuhang dokumento ang investigating body sa Commission on Audit (COA), malinaw ang ‘small note’ ng isang Director ng Upper House at pinapa-revise ang budget allocation sa PRIB camcorders purchase request, maliban kung nakalimutan ni Madame Rose J kung sinong Director ang nag-request at umaktong kinatawan ng PRIB kahit ibang department ang hina-handle?
Take note: walang makuhang basehan kung bakit nag-request ng revision kay Madame Rose J si Director dahil normal na panuntunan: Ini-increase lamang ang certificate of availability of allocation (CAA) sa ilalim ng inaprubahang pondo.
Hindi lang iyan, meron panibagong anomalyang umalingasaw, aba’y lumabas sa Senate inventory, bumili ng kaparehong modelo ng ca mera recorders noong 2005 ang PRIB at nadiskubreng mas mura ang halaga. Mantakin n’yo, lumang modelo at napaglipasan ng apat na taon, halos doble pa ang presyo ng camera. Kahit sinong barado ang ilong, maamoy ang senaryong merong kumita sa Senate-BAC kaya’t napapanahong magsibak si Lolo Johnny para huwag pamarisan! (mgakurimaw.blogspot.com)
1 comment:
comment
Post a Comment