Kung ‘Enemy No. 1’ sa eskuwelahan ang mga titser, ganito rin ang pag-uugali ng isang primadonang lady solon kung kaya’t nilalayasan ng mga tauhan kahit malaki ang pasahod nito.
Sa impormasyong nakalap ng Tonite Spy, napaka-terror, as in terorista sa mga staff ng primadonang lady solon kaya’t walang tumatagal sa kanyang opisina at napupuwersang maghanap ng ibang amo.
Ang pinakamalupit sa pag-uugali ng primadonang lady solon, mistulang nabubuhay sa panahon ng mga Kastilalo’y dahil astang-reyna sa harap ng mga tauhan kung saan pinalilinya sa alinmang gatherings ang mga ito.
Kapag dumadalo sa malalaking gatherings o event ang primadonang lady solon, kailangang nakahanay ang mga tauhan sa tagiliran ng entrance gate o kaya’y pintuan, animo’y ginagawang alipin ang mga staff nito.
Hindi lamang itinuturing na alipin ang mga staff bagkus araw-araw sinisinghalan sa kanyang opisina kaya’t nagkakaroon ng niyerbyos at nagkaka-trauma ang mga tauhan - isang rason kung bakit nagre-resign.
Bilang patunay sa pagiging ‘terror’ ng primadonang lady solon, isang media relation officer (MRO) ang nag-resign at lumipat sa ibang kampo ang kamuntikan hinimatay nang makita ang primadonang dating amo sa isang political event.
Bago pa man nag-resign ang dating MRO, humigit-kumulang dalawampung (20) media handler ang lumayas sa poder ng primadonang lady solon dahil sa napakasamang pag-uugali nito, kabilang dito ang isang sikat na fashion designer na ginawang taga-bitbit ng pasador at taga-bantay sa comfort room (CR).
Katulad ng nakaugalian, pinapila ng primadonang lady solon ang mga staff sa entrance gate at nagkataong amo ng dating MRO ang kausap ng mambabatas kaya’t nagpangita ang dalawa sa malaking political event at hindi maiwasang magkasalubong ang mga ito.
Sa nangyaring event, isa-isang ipinakilala at kinamayan ng primadonang lady solon ang mga tauhan ng kasamahan sa trabaho subalit nilagpasan ang dating MRO, sabay ismid at taas ng kilay nito.
Nang malampasan ang dating MRO, pansamantalang tumigil sa pagkakamay ang primadong lady solon, sabay balik sa linya o puwesto ng dating tauhan kung saan nagbugtong-hininga ng malalim, sabay bigkas ng katagang “pinatawad na kita”.
Ikinagulat ng mga kurimaw ang binitawang pahayag ng primadonang lady solon lalo pa’t wala namang kasalanan ang dating MRO, sampu ng mga tauhang nag-resign bagkus mismong mambabatas ang nag malupit at nang-aalipin ng mga staff.
Clue: Saksakan ng ‘plastic’ ng primadonang lady solon at naninita ng reporter kapag hindi maganda ang naisusulat sa interbyu. Kung senadora o congresswoman, ito’y meron letrang “A” as in Ang hilig sa matandang karelasyon.(mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment