Thursday, October 29, 2009

october 29 2009 abante tonite

Putulin ang tali!
Rey Marfil


Habang nalalapit ang November 30 deadline ng Come lec sa pagsumite ng certificate of candidacy, bawat oras ay nagkakaroon ng ‘realignment’ sa pulitika -- pinaka-latest ang pag-atras ni Ronnie Puno sa vice presidential race, kasabay din ang pagdeklarang Vice President ng ‘kaibigang matalik’ ni Edong Angara -- si Loren Legarda, as in Sinta.

Kaya’t maraming naglalaro sa isipan ng mga kurimaw, katulad ang katanungang ‘coincident’ lang ba o meron kababalaghang nagaganap sa likod ng camera lalo pa’t maugong ang ‘pagpapaligaw’ ni Sinta kina Gibo Teodoro at Manny Villar, maliban kung ‘tinatakot’ ang inaanak sa kasal -- si Chiz Escudero bilang bahagi ng ‘trick or treat’ ngayong Undas?

Bago ang declaration ni Chiz sa Club Filipino, maraming nagaganap -- ito’y pinagdudahang aatras at iisa ang linya ng kakamping TV station ni Noynoy Aquino, ‘pang-VP lang si Keso’. Ang rason: Malaking banta kay Tito Noy ang pagtakbo ni Keso, hindi dahil parehong dilaw ang ‘favorite color’ kundi solido ang suporta ng mga kabataan dito.

Kundi nagkakamali ang Spy, nasa 65% ang young voters ang naitala ng Comelec ngayong 2010 election. Ibig sabihin, bentahe kay Keso ang pagiging aktibo ng mga kabataan at estudyante sa presidential derby, hindi pa kasali riyan ang ‘solid vote’ mula Bicol region. Kaya’t hindi nakakapagtakang ‘dagain’ sa dibdib ang kampo ni Tito Noy lalo pa’t meron pitong buwan bago ang itinakdang ‘big day’ at paghahatol ni Lolo Jose Melo sa lahat ng presidentiable!
***
Napag-usapan si Sinta, samu’t-saring kuwento ang umiikot, mapa-coffee shop at media forum, ka tulad ang ‘pagpapaligaw’ kina Manny at Gibo kahit ‘ka-MU’ si Keso bilang ka-tandem, as in meron mutual understanding sa hanay ng Nationalist Peoples Coalition (NPC).

Isang linggo bago nagdeklara si Sinta sa Luneta Park noong nakaraang Biyernes, naisulat ng inyong lingkod ang pakikipag-meeting kay Sec. Puno, hindi nga lamang nabigyan ng espasyo.

Ibig sabihin, hindi ikinagulat ng mga kurimaw ang pag-atras ni Puno, ito’y isa sa napag-usapan sa pagitan ni Sinta. Take note: Dalawang beses nag-usap ang magkabilang kampo, hindi nga lamang malinaw kung anong topic at mismong lady solon, inamin sa harap ng Senate reporters ang ‘panliligaw’ ng Lakas-Kampi.

Hindi kailangang graduate ng La Consolation College para maintindihan ang diskarte ni Sinta. Kung hindi interesado sa mga nagpapalipad-hangin, aba’y dapat ‘binasted’ sa unang akyat pa lamang ng ligaw at sinabihang “I am sorry. Ako’y engaged kay Keso”.

Bakit naka-dalawang bisita pa si Puno kundi nagpakita ng interes si Sinta? Hindi naman siguro manhid si Puno para hindi mapansin kung paano kinilig si Sinta kaya’t humirit ng isa pang pagbisita?

At nangyari nga ang inaasa hang pag-atras ni Puno, katulad ng kanilang napag-usapan, alinsunod sa impormasyong nakuha ng mga kurimaw pero iba ang lumalabas sa bibig ni Sinta, maliban kung bahagi ng drama dahil nakikipag-negotiate rin kay Villar?

Hindi lang iyan, mismong si Sinta ang nag-leak sa kanilang confidential meeting ni Ronnie -- naganap ang inisponsorang dinner (Oct. 23) sa Manila Yacht Club, kasama ang Senate reporters na nag-cover sa kanyang jobs fair.

Maging ang nangyaring ‘mock elections’ sa harap ng Senate reporter pagkatapos ng briefing sa climate change hearing ng nakaraang Huwebes (Oct. 22), si Sinta pa rin ang humirit. Take note: Pangalan nina Villar at Escudero ang pinagpipiliang ka-tandem.

Ganito rin ang hirit ng kampo ni Villar sa Se nate reporters noong Lunes (Oct. 26) bago nakisalo sa lunch ang kanilang bossing, ito’y nakiusap magpa-mock election upang mapulsuhan kung sino ang karapat-dapat ka-tandem.

Pinaka-latest ang paghirit ng mock election ni Sinta sa mga mayor ng Batangas noong Martes ng gabi (Oct. 27) at iisa ang katanungan ni Loren: Sino kina Villar at Escudero ang sasamahan sa 2010. Siyempre, nanalo ng isang boto si Manny, as in Money. Kaya’t napapanahong putulin ni Escudero ang tali! Anyway, kumalas na si Keso sa NPC, kasing-labo sa sabaw ng pusit kung matutuloy ang Chiz-Loren! (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: