Sa halip magtrabaho ng tahimik, matinding pagkainggit ang naramdaman ng isang miyembro ng Upper House sa ‘special’ na trato ng isang media organization sa pinapaborang presidentiable nito. Bagama’t may punto ang mestisuhing senador lalo pa’t napupulitika ang relief operation at ginagamit sa media mileage ng ilang presidentiable, hindi maiwasang ma-bad trip ni Mang Teban dahil sukdulan hanggang langit ang pagkainggit ng mambabatas. Sa harap ng mga reporter, harapang sinermunan ng mestisuhing senador ang mga mediamen, kabilang ang alegasyong ‘hindi patas’ sa coverage at kahit kakapiranggot lamang ang ipinamudmod ng ilang presidentiables, ito’y nasa TV na at headline pa sa peryodiko. Sa kabila ng pagmamarakulyo ng mestisuhing senador, walang napala ang mambabatas dahil hindi naman hawak ng mga reporter ang istasyon lalo pa’t sumusunod lamang sa mga big boss, as in, nag-aksaya ng laway sa kasisermon ang solon. Pintahan n’yo na: Kapatid ng isang kapamilya ang kinaiinggitang presidentiable habang nakakalbo ang mestisuhing senador at nagbabalak sa mas mataas na posisyon.
|
No comments:
Post a Comment