Walang kupas ang pagiging primadona at pagka-plastic queen ng isang lady politician matapos puwersahin ang grupo ng mga mediamen na i-cover ang inisponsorang event nito.
Pinakamalala sa pag-uugali ng primadonang lady politician na nasaksihan ng Tonite Spy, ito’y nagawa pang magyabang sa harap ng mediamen na kaya nitong bayaran ang ‘airtime’ sa telebisyon basta’t maisahimpapawid lamang ang pagpapa-cute sa camera.
Sukdulan hanggang langit ang pagka-bad trip ng mga reporter nag-cover sa inisponsorang event ng primadonang lady politician matapos umariba sa pagiging ‘plastic’, as in nasobrahan sa pagiging polite ito.
Nagsimula ang lahat ng ‘ka-plastikan’ ng primadonang lady politician matapos madiskubreng ‘chop-chop’ ang media coverage sa inisponsorang event kaya’t kaagad sumagi sa isipan ang matinding inggit sa mga kalabang kandidato. Kahit walang kalatuy-latoy ang inisponsorang event, gustong ipa-cover ng primadong lady politician ang pagpapa-cute sa mga botante gayong kasing-liwanag sa sikat ng araw ang katotohanang nagpapapansin sa ibang kampo at puro ka-plastikan ang kanyang gimik.
Ang ikinagulat ng mga kurimaw, mismong sa bibig ng primadonang lady politician nagmula ang alegasyong kaya’t nagpatawag ng media coverage para masigurong front page at banner sa mga peryodiko ang kanyang gimik.
Ang malupit sa lahat, nagawa pang tanungin ng primadonang lady politician ang reporter ng dalawang higanteng television station kung bakit ‘putol-putol’ ang coverage sa kanyang event, sabay pagyayabang na kaya nitong bayaran kung magkano ang live coverage.
Clue: Isa sa ‘political butterfly’ ang primadonang lady politician. Kung gabinete, congresswoman o senadora. Ito’y meron letrang “R” sa real name, as in Rina-raket ang pagtakbo sa 2010. (mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment