Mapa-text o email, pinaka-hot issue ang pagiging oportunista sa relief operation ng ilang presidentiables, showbiz personality at iba pang pulitiko, aba’y halos mapuno ang inbox sa messaging ng cellphone kung paano sinasamantala ang kahinaan ng publiko, katulad ang mga biktima ng bagyong Ondoy.
Nakakalungkot isipin subalit walang choice ang pamilyang lubog sa baha, ito’y kakapit sa patalim kahit harapan pang binibili, sa pamamagitan ng dalawang pirasong sardinas, limang noodles at isang kilong bigas na nakasilid sa ‘plastic materials’ na ini handa ng isang presidentiables, mapa-green, o range o yellow ang kulay nito.
Kung nagpapaka-pilantropo ang mga presidentiables at pagtulong sa kapwa ang misyon o walang kinalaman sa 2010 election, bakit sandamakmak ang media advisory sa relief operation at meron pang katagang ‘For media coverage’, animo’y nakalimutan ang aral sa Bibliya ni Kristo, maliban kung itatanggi nina Manny Villar at Noynoy Aquino ito?
In fairness sa kaibigang matalik ni Edong Angara - si vice presidentiable Loren Legarda, ito’y hindi humingi ng media coverage kahit ilang araw nang namudmod ng relied goods sa Malabon, Navotas, Kalookan, Valenzuela, Malanday at Marikina, maging sa ibang lalawigan.
Take note: Walang photo ops si Loren Sinta, iyon nga lang meron Senate staff na nakasuot ng puting t-shirt at may nakapintang “Loren” ang lumalakad, animo’y nag-iingat ang lady solon na direktang mabaterya at mapulaan?
***
Napag-uusapan ang pagiging oportunista ng ilang pulitiko, lingid sa kaalaman ng publiko palihim ang pagtulong ng kampo ni Senator Chiz Escudero, patunay ang maraming pamilyang nabigyan ng donasyon.
Maging si Senator Ping Lacson, ito’y namigay ng relief goods noong nakaraang linggo sa Marikina, Taguig, Pateros at Rizal subalit meron bang nai-report sa telebisyon?
At nakaraang Biyernes, kahun-kahon din ang ibinababang relief goods ng mga janitor mula sa opisina ni Senator Gringo Honasan, maging sa opisina nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senator Dick Gordon.
Sa kaso ni Escudero, kundi pa nga natanong ang isa sa staff ng senador kung anong tulong ang ipinabot ng kanilang amo sa mga biktima ng bagyong Ondoy, hindi pa malalaman ng ‘Escalera Boys’ ang humigit-kumulang 10 libong pamilya ang nabigyan ng donasyon sa Marikina, San Juan, ParaƱaque, Cainta Rizal, at Quezon City, maging media organization nangangasiwa sa relief ope ration, katulad ng dzBB radio, Inquirer, Philippine Star, dwIZ radio, dzXL radio, ito’y pinadalhan ng tulong su balit wala naman naisusulat sa peryodiko, ewan lang kung ilalabas ng ABS-CBN ang ganitong news?
Iyong isang presidentiable, sumakay lang ng chopper at hindi maintindihan kung sinisipat lamang sa ‘ere’ ang mga pag-aaring lupain at kalsadang nalihis!
Isa pang halimbawa ang programang Eat Bulaga, ilang bayan ang dinalaw at pinuntuhan ng grupo para mamudmod ng relief goods subalit ipinagmalaki ba nina Tito, Vic and Joey ang pagkawang-gawa.
Ang katotohanan lamang, meron balik ang walang katapusang pagpapa-media coverage ng mga presidentiables - sa dami ng binaha at nilubog ng bagyong Ondoy sa National Capital Region, hindi lahat mabibigyan ng donasyon at siguradong mas marami ang galit keysa napasaya sa de-latang ipinamudmod ng mga ito. Iyan ang pangit na katotohanan, as in ‘The Ugly Truth”. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment