Monday, October 5, 2009

oct 05 2009 abante tonite

Mayabang na tauhan ng mayor, muntik sinapak ng cabinet secretary
(Rey Marfil)

Kung hindi naawat, bukol at pasa ang inabot ng mayabang na tauhan ng isang alkalde sa Metro Manila matapos harapang angasan ang napakakalmanteng cabinet secretary ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Nasaksihan ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy kung paano nagpanting ang tainga ni Secretary matapos ‘umepal’, as in pumapel sa isang radio program ang mayabang na tauhan ng alkalde, ilang araw na ang nakakaraan.

Parehong nagpoprograma sa isang kilalang radio station sina Secretary at Metro Manila Mayor kung saan nagkataon pang magkasunod ng oras ang dalawang opisyal.

Nang maganap ang engkuwentro sa pagitan ni Secretary, absent si Metro Mayor sa kanyang lingguhang programa sa radyo dahil abala sa relief operations lalo pa’t lubog sa tubig-baha ang lugar nito.

Isang mayabang na tauhan na matagal nang kinaiinisan sa radio station, sa pangunguna ng mga reporter at deskman, ang tumayong ‘substitute’ ni Metro Manila Mayor at naganap ang matagal nang pinapangarap ng mga empleyado ng himpilan, ito’y magkaroon ng katapat.

Bagama’t hindi pa oras para magprograma, nagdumaling pumasok sa radio booth ang mayabang na tauhan ni Metro Manila Mayor at nagtatalak gayong meron pang 5-minuto si Secretary sa himpapawid.

Ang nakakatawa lamang, ito’y first time lamang nakita ni Secretary sa istasyon at umastang ‘super-close’ ang mayabang na tauhan ni Metro Manila Mayor dahil nagawang utusan ang mga staff ng radio station kung anong dapat gawin ng gabinete, katulad ang direktibang mag-extend ng programa dahil hindi pa handa ito.

Ikinagalit ni Secretary ang pagpasok sa radio booth ng mayabang na tauhan ni Metro Manila Mayor dahil wala sa ayos ang arrive ng kumag at ‘mortal sin’ sa broadcast industry ang mag-ingay habang naka-on air o bukas ang mikropono.

Pagkatapos ng programa, kinompronta ni Secretary ang mayabang na tauhan ni Metro Manila Mayor at kamuntikang binigwasan, as in sinapak kundi naawat ng isang lady reporter, maging ilan pang security at technician sa labas ng radio booth.

Clue: Nagbabalak tumakbong senador si Secretary. Ito’y meron letrang ‘L” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Lahing showbiz ang isang kaapelyido habang magsi-senador din si Metro Manila Mayor at posibleng makasama sa senatorial ticket ng gabinete. Never mind ang mayabang na tauhan nito. (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: