Saturday, October 3, 2009

oct 2 2009 abante tonite

Lady solon umaming ‘lolo’ ang nobyo
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘sa bibig nahuhuli ang isda’, harapang nadulas sa mga kasamahang mambabatas ang isang primadonang miyembro ng Kongreso tungkol sa tunay na edad ng kanyang karelasyon.

Halos maglupasay sa katatawa ang naglipanang kurimaw sa session hall at tagiliran ng gallery, sa pangunguna ng TONITE Spy nang marinig ang mala-sing along na ‘pagkanta’ ng primadonang lady solon tungkol sa tunay na edad ng kanyang boypren.

Ang rason, harapang ina min ng lady solon sa mga katropang mambabatas ang tunay na estado at edad ng kanyang karelasyon, gamit ang katagang ‘lolo’ ang boypren nito.

Bago tinawag na ‘lolo’ ng lady solon ang karelasyong solon, nagkaroon ng mainitang bakbakan sa session hall, as in nagkainitan sa debate ang dalawang katropang solon, sa pangu nguna ng nakarelasyon nito.

Dahil trabaho ng nakaupong presiding officer at majority leader ang tuma yong ‘reperi’ kapag meron nagbabakbakan sa floor, mabilis na inawat ang dalawang solon at kaagad ding ‘umepal’, as in pumapel ang primadonang lady solon upang rendahan ang nakakabatang mambabatas na naka-debate ng karelasyon nito.

At para pahupain ang tensyon sa loob ng session hall dahil maanghang ang mga katagang lumalabas sa bibig ng dalawang solon, nagsumamo at pinakiusapan ng primadonang lady solon ang nakababatang mambabatas na huwag nang patulan ang karelas yong solon lalo pa’t isa nang lolo ito, gamit ang katagang “Huwag mo nang patulan si lolo”.

Ang kagandahan lamang, naging epektibo naman ang pag-awat ng primadonang lady solon dahil napahupa ang tensyon at natawa ang nakababatang solon dahil inilarawang ‘lolo’ ng una ang karelasyong solon nito.


Clue: Umatras sa mala king hamon ng buhay pulitika ang nakababatang solon habang numero unong political butterfly ang nakarelasyong solon samantalang saksakan ng plastic ang primadonang lady solon. Parehong may letrang “A” ang magkarelasyon, as in Ang hilig sa matatanda at Ang hirap ng buhay.(mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: