Walang pinag-iba sa ba hang taglay ni Ondoy ang rumaragasang text brigade laban sa ABS-CBN at kampo ni Noynoy Aquino, pinaka-latest ang alegasyong “Political campaign ba ang relief operations? Bakit ibinalot sa dilaw na bag ang relief goods at pinipilit ang Kapamilya na magsuot ng dilaw na T-shirt kapag namimigay ng donasyon? ‘Pag naka-dilaw ka, bibigyan ka ni Kris ng 2 grocery bags. Mula news hanggang donation, bukong-buko na tumataya na ang ABS-CBN kay Noynoy”.
Sabagay, white T-shirt ang original color ng ‘Sagip Kapamilya’ at naka-sulat sa asul ang bawat letra, bakit nga naman biglaang naka-yellow T-shirt ang namudmod ng relief goods at pati plastic bag, ito’y kakulay ng campaign co lor ni Noynoy? Hindi kay a buma ngon si Ninoy at Tita Cory sa pi nagagawa ng Channel 2?
In fairness sa grupong nasa likod ng text brigade, sinuman sa kampo nina Manny Villar, Gilbert Teodoro, Dick Gordon, Jamby Madrigal, Bayani Fernando, Chiz Escudero, Loren Legarda, at Erap Estrada, napaka-accurate ng mensaheng pinakakawalan, aba’y ilang araw nang dumidepensa ang Kapamilya network, katulad ni Tina Monzon-Palma, maging si Kris Aquino, ito’y napikon sa The Buzz at laman ng showbiz column ang pagka-irita.
Ibig sabihin, lumalatay sa kaloob-looban ng kanilang kalamnan ang bawat katagang ‘nakapalaman’ sa text brigade. Kung hindi apektado ang Dos, bakit kailangan pang magpa-interbyu, simula sign on hanggang sign off ang mga big boss?
Maganda ang hangarin ng ABS-CBN, gamit ang programang ‘Sagip Kapamilya’ subalit habang maaga, mas makakabuting tigilan ang pamumulitika, katulad ng mensaheng nakapaloob sa text brigade, aba’y ‘plakado’ ang pagtaya kay Noynoy, mali ban kung hindi pa rin nadala noong Edsa 3, hindi ba’t sinunog at tinaob ang OB-van sa galit ng pro-Erap?
Maging sa pagtakbo ni Fernando Poe Jr., noong 2004 hindi ba’t nasampolan ni Susan Roces ang mga reporter ng Channel 2 dahil ‘all out’ ang pagtaya kay Mrs. Arroyo sa ngalan ni Vice President Noli De Castro? Dapat pagnilayan ng ABS-CBN ang campaign slogan ni senator Ping Lacson “Patas na laban, Para sa lahat”, maliban kung GMA-7 lamang ang may puso?
***
Napag-usapan ang pulitika, bago pa man nanalasa si Ondoy, ilang linggo ng nagpaalam si Cong. TG Guin gona III kay Villar, ito’y inabutan lamang ng baha kaya’t na-delayed ang balita. Ang nakakatawa, sa lapad ng katawan ni TG, ito’y naiipit sa gitna dahil Chiz ang puso ng kongresista subalit Noynoy ang dikta ng ama -- si ex-Vice President Teofisto Guingona.
Kaya’t hindi nakakapagtaka kung nagpa-reserve ng silya sa Liberal Party ang batang Guingona dahil mahirap nga naman ‘mapandilatan’ ng ama. Ang kawawang Villar, wala na ngang makuhang Vice Presidential candidate, ito’y iniwanan pa ng mga senatorial bets at siguradong itikan ang bagsak ngayon pang lagapak sa presidential survey. Sa survey sa Davao -- sina Noynoy at Chiz lamang ang pinag-uusapan. Halos milya-milya ang agwat ng dalawang senador kina Estrada, Villar at Teodoro.
Mismong si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang nagpa-survey, ito’y may petsang September 28 hanggang October 3. Sa kabuuang siyam na libong respondents, nakakuha si Noynoy ng 34% at dumikit si Chiz, hawak ang 26% habang si Erap, ito’y 17%, kasunod sina Villar (8%) at Gibo (5%).
Sa simpleng paliwanag, tanging 8% ang agwat ni Noynoy kay Chiz, ito’y madaling ma-overtake lalo pa’t hindi deklaradong presidential wannabe. Take note: pumalo ng 56% ang popularity ni Noynoy sa panahong nagluluksa ang sambayanang Pilipino sa pagpanaw ni Tita Cory at meron pang walong buwan bago sumapit ang May 10.
Kaya’t abangan ang susunod na kabanata pagkatapos ng 40th birthday ni Chiz sa October 10 at siguradong mauuwi sa labanan ng ‘yellow’ ang 2010. Ang tanong ng mga kurimaw: Sino nga ba ang tunay na ‘yellow’-- ang Haciendero o Keso? (mgakurimaw.blogspot.com
No comments:
Post a Comment