Complete Mistulang nagbalik-tanaw sa buhay ng isang miyembro ng Upper House ang diktaturyang rehimeng Marcos matapos umeskapo sa isang napakahalagang event, partikular ang relief operation sa mga biktima ng bagyong Ondoy.
Bagama’t walang kinalaman sa Martial Law ang pinuntahang event, nag-ala Eugenio Lopez at Sergio OsmeƱa ang reelekyunistang senador matapos tumalilis sa relief operation nang makitang napakahaba ng pila sa covered court.
Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano tumakas sa relief operation ang reeleksyunsitang senador dahil wala itong maipamudmod na relief goods sa napakaraming residenteng nag-aabang ng donasyon.
Ang nakakadismaya sa lahat, habang naglilimahid ang mga residente at nagbibilad sa araw para makakuha ng relief goods, dumating ang reeleksyunistang senador sa covered court, sakay ng isang magarang Ford Expedition.
Maliban sa bagong modelo ng Ford Expedition bilang service vehicle ng reeleksyunistang senador, meron pang isang Ford Expedition naka-convoy o back-up vehicle ng mambabatas, sakay ang mga security nito.
Sa pag-aakalang nagtitipun-tipon lamang sa covered court ang mga residente, kaagad sinamantala ng reeleksyunistang senador ang pagkakataon upang magpapogi sa publiko para makipagkamay ito.
Nang makitang mahaba ang pila sa covered court dahil meron ibang opisyal ang nakaiskedyul na magbigay ng relief goods, kasing-bilis din ng kidlat na tumalilis ang mambabatas sa venue, animo’y nabiktima ng ‘Wow Mali’ dahil hindi tumagal ng sampung segundo.
Kahit isang piraso ng sardinas at isang butil ng bigas, hindi nag-iwan ng donasyon ang reeleksyunistang senador sa mga residenteng binaha ng bagyong Ondoy dahil walang ibang bitbit kundi sarili para makipagkamay, kasama ang mga staff nito.
Sa pag-aakala pang mamudmod ng relief goods ang reeleksyunistang senador, nagawa pang kalampagin ng mga residente ang magarang Ford Expedition ng mambabatas subalit walang napala ang mga kawawang biktima ng bagyong Ondoy dahil mabilis na umarangkada paalis ang sasakyan nito.
Wala sa iskedyul ng reeleksyunistang senador ang dumalaw sa isang barangay sa Metro Manila bagkus napadaan lamang sa covered court at lingid sa kaalaman nitong meron ibang public officials ang namudmod ng relief goods.
Clue: Idinaan lamang sa ‘television drama’ ang panalo ng reeleksyunistang senador, patunay ang kawalan ng credentials bilang pulitiko at nasangkot sa matinding eskandalo ang kapamilya nito. Kung bebot o kelot, ipagtanong sa tropa ni Matet ng Senado. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment