Sa halip makakuha ng ‘pogi points’, matinding pagkadismaya at pagkainis ang natikman ng dalawang ambisyosong pulitiko sa kamay ng libu-libong biktima ng bagyong Ondoy matapos mauwi sa photo ops ang relief operations ng mga ito.
Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano nairita ang mga residenteng biktima ng pagbaha sa Metro Manila dahil nagpakuha lamang ng litrato at video footage ang dalawang pulitikong tatakbo sa 2010 national election habang namumudmod ng relief goods.
Dahil kapit sa patalim ang mga biktima ng bagyong Ondoy, walang ibang choice kundi pumila para makakuha ng konting donasyon, mapa-concerned citizens o pulitiko ang namumodmod ng relief goods sa mga evacuation centers.
Ang matinding revelation lahat, humingi pa ng media coverage, as in naglabas ng media advisory ang dalawang pulitiko para ipangalandakan ang pamamahagi ng relief goods kaya’t ‘to the rescue’ ang isa sa giant network na tumataya sa kandidatura ng dalawang mokong.
Katulad ng inaasahan, halos maglulundag sa tuwa ang mga residente ng isang lungsod sa Metro Manila nang mabalitaang namumudmod ng relief goods ang dala wang pulitiko dahil maiibsan ang matinding pagkagutom ng mga ito.
Mas tumindi ang kagalakan ng mga residente nang makitang dalawang malalaking truck ang binitbit ng dalawang ambisyosong pulitiko dahil walang uuwing luhaan at mabibiyaan ng grasya ang lahat ng mga pumila sa relief goods.
Tanging nakakalungkot, kaagad umeskapo ang mag-partner matapos makunan ng litrato at video footage, makalipas ang ilang minutong pananatili sa evacuation center, as in iniwanan sa ere ang mga lehitimong nagkakawanggawa, sampu ng mga nakapila sa relief goods.
Hindi man lamang tumagal sa pamumudmod ng relief goods ang dalawang pulitiko dahil pagkatapos makapag-abot ng humigit-kumulang dalawampung plastic bag ng relief goods kaagad tumalilis ang dalawang kumag, sakay ng magarang sasakyan.
Clue: Madaling makilala ang dalawa dahil napaka-visible sa television. Kung gabinete o senador, ipagtanong sa mga haciendero at heredero. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment