Kontrobersyal ang unread messages sa facebook account ni Jorge Cariño - reporter ng ABS-CBN na naglabas ng vi deo footage sa pag-agaw diumano ni Pasig Vice Mayor Yo yong Martires sa rubber boat habang sakay ang ilang senior citizen’s dahil gagamiting pang-rescue sa kanyang pamilya na-stranded din noong Oktubre 26.
Ang tanong ng mga kurimaw: Anong aksyon ang gagawin ng ABS-CBN, maging National Press Club (NPC), Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP), Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG), aba’y puno ng masasamang salita ang facebook account ni Jorge!
Nakaraang Oktubre 9, natanggap ng Spy ang kabuuan ng unread messages sa facebook account ni Jorge at nadiskubre lamang ng kanyang misis. Sa ipinadalang email ni Daisy (misis ni Jorge), ganito ang mensahe :
‘Kapatid pina-email eto ni Jorge sa iyo para kung meron mangyari man sa kanya or sa amin, alam n’yo kung sino ang mga puwedeng hanapin. Nabasa ko ‘to sa facebook n’ya kanina lang. Nasa unread inbox message ang mga ito kasi nasa Cagayan province pa si Jorge kaya ‘di n’ya pa nababasa. Pero itinawag ko na ito sa kanya. Pina-forward n’ya na sa office, kina Brian Yamsuan (DILG Assistant Secretary).”
Narito ang kabuuan ng unread messages sa facebook account ni Jorge. Kayo ang tumimbang lalo pa’t nauuso ngayon ang media killings!
Message No.1: Dice Lumauig Martires; October 3 at 11:33pm Report:
Bobo mo! Tang...na wag ka magpauso ng report kung wala ka ma-report! Wag ka gumawa ng pangalan sa maling paraan! Wag mo sanang maranasan mga nangyari sa amin pagdating ng araw. Sana nakita mo ‘yung kapatid ko na babae na bumaba para makasakay ‘yung senior citizen na sinasabi mo. Mararanasan din ‘yan ng mga anak mo! Kup..l ka! Mga apo lang kasama hindi pamilya! Tang... ka! Sinisira mo pangalan namin pati dignidad ng Vice Mayor ng Pasig! You should have done more research bago ka magreport.
Message No. 2: Von Tan Gana; October 2 at 12:04am Report:
Tang... mo Jorge Carino ng TV Patrol ABS-CBN. Kung wala kang mai-balita huwag kang mag-imbento ng storya at ikalalaos mo iyan. Practice responsible journalism. Hayop ka, sana makarating sa iyo itong message na ito! Hindi kita titigilan! Mag-aral ka mabuti. Kung paano mag-report ha? Hindi padalos-dalos. Kung may problema ka tawagan mo ko 09178842335. Sa aking mga kaibigan, ikalat nyo itong mensahe ko.
Message No. 3: Mandel Martires http://www.facebook.com/taga.ilog:
JORGE CARINO of ABS CBN FALSE field report SEPT 28 2009: 1. Vice Mayor of Pasig PRIORITIZED the RESCUE of his family; 2. Vice Mayor of Pasig asked SENIOR CITIZENS to STEP OUT OF RUBBER BOATS to giveway to his family. FACT AND WHAT REALLY HAPPENED: 1. Family of Vice was stranded 3 days 2 nights while Vice was stranded in Bgy. Sta. Lucia; 2. Vice Mayor got home Monday morning to check house AS A FATHER would do, but left right away to visit other affected areas, while his family got left behind to clean the house; 3. Vice only picked up grandchildren ages 6, 5 & 2 years old AND NEVER asked the senior citizens to get out of the boat, you ass....!!!
***
Sa kaalaman ng publiko, hindi kamag-anak ni Jorge si ex-Pasig Congressman Toti Carino na isang araw lang naupo, ito’y ka-apelyido lamang. Ni sa panaginip, ayokong isiping may kinalaman ang kampo ni Martires lalo pa’t napakadaling gumawa ng facebook account at magpakilalang kapamilya ng vice mayor.
Higit sa lahat, wala sa mukha ni Yoyong ang manakot lalo pa’t pagpapa-kenkoy at pag-dribble ang puhunan kaya’t umangat ang political career, maliban kung nagbago ng diskarte ito? Kung genuine ang mensaheng nasa facebook ni Jorge, aba’y mag-isip ang ABS-CBN at hindi magandang joke ng mga kapamilya ni Yoyong ito! (mgakurimaw.blogspot.com)
1 comment:
Maraming palpak sa pagbabalita ang ABS-CBN. Nung year 2000 dito sa Yanbu, Saudi... meron silang pinarangalan na isang pinoy at hindi muna nila inalam kung ano ang tunay na pagkatao nito na walang researching. Binigyan ng parangal ang isang magnanakaw at hubod ng sinungaling. Isang taong nagpa fabricate ng mga kuwento na pinapadala sa ABS-CBN. Ang ABS-CBN naman tuwang-tuwa sila sa pinoy na ito na maka-ilang beses na pinarangalan nila. Then nung year 2001 na terminate itong pinoy na ito dahil sa pagnanakaw sa kumpanya... sa awa ng diyos ng hapon after a year lumabas din siya sa ABS-CBN pero nabuking na isa siyang illegal recruiter ng mga star circle.... ang mismong nag ulat at gumawa ng write up itong pinoy na ito ay si Buenafe. Kaya ginoong rey never akong manood ng mga palabas ng ABS-CBN since nung nangyari na yun. tenx.
Post a Comment