Wednesday, October 21, 2009

october 21 2009 abante tonite

Esmi ng solon, ‘namitik’ ng kubyertos sa resto
(Rey Marfil)

Kung nagmatigas sa harap ng waiter at hindi ibinalik ang mga ‘hinarbat’, kamuntikang nakulong ang mi sis ng isang miyembro ng Kongreso matapos ‘pumitik’ ng kubyertos sa loob ng restaurant.

Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, gumawa ng eksena sa isang foreign trip ang misis ng isang nakakalbong solon matapos pagdiskitahan ang maga­garang kubyertos ng restaurant.

Sa puntong ito, lumabas ang pagiging ‘Makati Girl’ ng ‘commander-in-chief’ ng solon, matapos puntiryahin ang magagarang kubyertos sa lamesa, maging mamahaling table napkin.

Kundi lamang malapad ang tablecloth na nakalatag sa kanyang harapan at walang ibang kasama sa lamesa, posibleng naisama sa mga kasangkapang ‘pinitik’ o hinarbat ng misis ng nakakalbong solon.

Dahil nangangati ang kamay, pasimpleng isinilid ng misis ng nakakalbong solon sa malaking bag nitong dala ang isang set ng kubyertos o iba’t ibang hugis at laki ng mga tinidor at kutsara na ‘napitik’ sa lamesa.

Lingid sa kaalaman ng misis ng nakakalbong solon, mala-department store o mall ang security system sa loob ng restaurant kung saan ilang security personnel ang naka-civilian cloth kaya’t hindi mapagkakamalang bantay o guwardiya ng sinumang customer.

Hindi naman kaagad sinita ng naka-civilian clothed na security personnel o guwardiya ang misis ng nakakalbong solon bagkus hinintay pang makapagbayad ng restaurant bill ang grupo ng mambabatas.

Eksaktong pagkalabas ng restaurant, ilang metro ang layo sa pinagkainan, saka pa lamang sinita ng guwardiya ang misis ng nakakalbong solon upang hindi mapahiya.

Hindi naman pumalag ang misis ng nakakalbong solon nang sitahin ang laman ng kanyang bag at pinagsabihang isoli na lamang ang mga napitik o naharbat kesa mapahiya kapag dinampot at kasuhan sa lupain ng mga dayuhan.

Mabilis ding inilabas ng misis ng nakakalbong solon ang mga nakulimbat na kubyertos sa loob ng restaurant at kaagad ding humingi ng ‘sorry’ sa security personnel na nanita, kalakip ang depensang nakursunadahan lamang at gustong gawing souvenir sa kanyang bahay pag-uwi ng Pilipinas.

Clue: Palaging magkasama ang mag-asawa kahit saang foreign trip. Kung senador o kongresistang ang nakakalbong solon, ito’y malapit nang magretiro kaya’t naghahanap ng ibang matatakbuhan. (mga kurimaw.blogspot.com)

No comments: