Wednesday, October 28, 2009

october 28 2009 abante tonite

Isang trak ng lugaw ipinaanod ng lady solon
(Rey Marfil)

Sa hangaring magpa-beauty bilang preparasyon sa 2010 national election, naghalo ang basura at lugaw sa Pasig River matapos magkasabit-sabit ang “Operation: Lugaw” ng isang ambisyosang miyembro ng Kongreso.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano ‘nagkulay-lugaw’ ang Ilog Pasig matapos ‘langawin’ ang pagpapakain ng lugaw ng ambisyosang lady solon dahil malamig ang pagtanggap ng mga residente kahit mainit ang inihandang pagkain nito.

Ang masakit sa lahat, nasayang ang isang truck ng pagkain dahil napilitan ang inarkilang catering service na itapon sa Ilog Pasig ang ilang toneladang lugaw, kalakip ang pangambang ma-food poison ang mga residente, lalo pa’t nangangamoy panis.

Dahil nag-aambisyon sa mas mataas na posisyon, isang malaking event ang inisponsoran ng ambisyosang lady solon at isa sa naging pakulo ang magpakain ng lugaw sa mga residente, kalakip ang paniniwalang magiging blockbuster ito.

Humigit-kumulang 1,500-katao ang puntir yang pakainin ng lugaw ng ambisoyosang lady solon kaya’t kinuha ang serbisyo ng isang restaurant, subalit halos walang gumalaw sa lugaw hanggang sa mapanis.

Halos ipagduldulan ng mga staff ng catering service ang lugaw sa mga residente at dumalo sa event para maubos subalit walang gustong tumikim, kaya’t tinangka pang i-divert sa evacuation center para hindi masayang.

Sa bandang huli, hindi itinuloy ng mga staff ng catering service ang planong ipamahagi ang lugaw sa evacuation center dahil nangangamoy panis na at posibleng ikasira lamang ng ambisyosang lady solon kapag maraming evacuees ang madadale ng food poisoning hanggang sa napagdesisyunang ipaanod na lamang ito sa Ilog Pasig.

Clue: Saksakan ng ‘plastic’ ang lady solon at numero unong ‘political butterfly’. Kung senadora o congresswoman, ito’y merong letrang “A” at “L” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Abangan kung Lilipat sa 2010 election(mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: