Sa pulitika, mabibilang sa daliri ang naniniwala sa prinsipyo kaysa pera, patunay ang pagiging obsessed ng isang presidential aspirant sa multi-milyon pisong campaign fund, kapalit ang suporta sa kauring kandidato. Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, palihim na ibinebenta ng isang presidential aspirant ang sarili sa ibang presidentiables, kapalit ang multi-milyon pisong campaign fund kahit magmukha pang katawa-tawa at kasuklam-suklam ang pagkatao nito.
Habang nakatengga ang deklarasyon ng ilang presidentiables, sikretong nakikipagtransaksyon ang isang presidential aspirant sa kauring kandidato at isa sa option ang tumalon ng ibang kampo.
Pangunahing misyon ngayon ng presidential aspirant ang kumita ng milyones sa 2010 national election, as in ibebenta ang sarili sa ibang aspirante at iwanan ang ‘napupusuang presidentiable’, kapalit ang multi-milyon pisong halagang inaalok ng kabilang kampo.
Ang matinding revelation sa lahat, gumamit ng ibang tao ang presidential aspirant sa pakikipag-usap sa kampo ng kauring presidentiable, sa pamamagitan ng isang mayamang negosyanteng sanggang-dikit ng isa pang pulitiko.
Ang mayamang negosyanteng kinakasangkapan ng isang presidential aspirant bilang lobbyist at ‘negosyador’ sa kampo ng kalabang presidentiable, ito’y kaibigang matalik ng pulitikong nakarelasyon ng presidential aspirant at nagmamay-ari ng isang ‘steak house’ sa Metro Manila.
Hindi lamang milyones ang hinihinging kapalit ng presidential aspirant sa gagawing pagtalon sa ibang bakuran dahil bilyon ang inila-lobby ng ipinadalang negosyador, as in tumataginting na P1 bilyon, kapalit ang pagiging running mate nito.
Clue: Meron letrang “M” ang negosyanteng negosyador habang “A” ang initial ng nakarelasyong pulitiko. Kung sino ang presidential aspirant, ito’y madaling matukoy lalo pa’t pababa sa survey. (mgakurimaw.blogspot.com)
|
No comments:
Post a Comment