Kung hindi tinanggap ni Joey De Venecia III ang imbitasyon ni Erapsky sa senatorial slate, sa malamang ‘aalog-alog’ ang ipinagmala king jeep ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP), aba’y dalawa lamang ang ‘legitimate draftees’-sina Juan at Jose. Maliban kina Senate President Juan Ponce Enrile at pro-tempore Jose ‘Jinggoy’ Estrada Jr., walang iba pang pangalan ng personalidad ang may tsansang manalong senador sa 2010. Kaya’t dagdag-puwersa sa Estrada-Binay tandem ang pagpasok ni Joey lalo pa’t walang partido ang makakabuo ng 12-man senatorial slate.
In fairness kay Joey, ito’y napakalayo sa amang si Joe De Venecia, hindi lamang sa estilo ng buhok kundi sa pananalita. Sa naimbestiga hang broadband scandal, mas pinili ni Joey ang ‘kumanta’ sa Upper House keysa manahimik at tanggapin ang multi-milyong inaalok ni banker Ben Abalos.
Ang masakit lamang, walang nasasampolan ang Ombudsman sa mga kawatan. Ibig sabihin, ‘exciting’ ang 15th Congress sa Manila Film Center kung mananalong senador ang batang De Venecia, aba’y posibleng makatabi ng upuan si Dick Gordon. Kaya’t ugaliin ni Joey ang magdala ng payong, aba’y mahirap ang walang panangga sa ulan!
***
Napag-usapan ang 2010, hindi pa man nakakapag-file sa Comelec, maagang ‘pinagpapartehan’ ng mga kapamilya at ka-tropa ng isang presidentiable ang cabinet position. Pinaka malupit ang ‘pre-bidding’ sa mga government contract na ngayo’y hawak ng mga ‘crony’ ni Mrs. Arroyo- ito’y ipinangakong ibibigay sa natalong bidder kapag naupo ang presidentiable, kapalit ang multi-milyong campaign donations na hinihingi nito.
Hindi natin babangitin ang pangalan subalit ang tumatayong ‘broker’, aba’y mismong bayaw ni Mr. Presidentiable. Mantakin n’yo, hindi pa nga nagsisimula ang kampanya, gusto kaagad maka-boundary!
Sa report ng Spy, nakipag-meeting at diretsa hang kinikilan ni Bayaw, as in presidentiable-bro ther-in law’ ng kontribusyon ang isang talunang bigtime bidder sa multi-bilyong po wer contract. Sa kaalaman ng publiko, natalo sa bidding ang ‘D Brothers’ at isang crony ni Mrs. Arroyo ang nakinabang sa project.
Take note: P200 milyon ang hinihingi ni presidentiable-brother-in law. Ang diga ni Bayaw sa ‘D Brothers’, kung makapagbigay ng P200 milyong down payment, kaagad ipapawalang-bisa ni Presidentiable ang pagkaka-award ng multi-bil yong power contract sa isang crony ni Mrs. Arroyo kapag nanalo ito.
Dalawang bagay lang ang malinaw: mas masahol ang mga ‘kapamil ya’ ni Presidentiable sa lahat ng naupong Pangulo, aba’y maagang nangingikil at pinapalabas pang meron balanse ang ‘D Brothers’.
Si brother-in-law, ito’y mister ng nakakatandang kapatid ng presidentiable at nakapasok lamang sa negosyo, gamit ang impluwensiya ng kanyang ‘mother-in-law’. Kaya’t tumayong ‘broker’ dahil sanggang-dikit ni Brother-in-law ang talunang big time bidder (D’ Bro thers) habang ang negosyanteng nanalo sa power deal (Arroyo crony), ito’y maagang tumaya sa isang mayamang presidentiable.
Sa simpleng explanation, kasinungalingan ang campaign slogan ni Presidentiable dahil iisang mukha ang nakapalibot, as in napapaligiran ng sindikatong umaastang “Mr. Clean” gayong traidor at balimbing, patunay ang pag-iwan sa dating kakampi.
Kung maagang ‘ibinibenta’ ng mga kapamilya ng Presidentiable ang government facilities upang makapangalap ng pondo, isa sa pinakamalakas na negosyo ang candle-making pagkatapos 2010, siguradong ‘balik-brown out’ sa entire Philippines.
Kung sino si presidentiable-brother-in law, ito’y meron letrang C, as in cable ang business! (mgakurimaw.blogspot.com)
2 comments:
Cruz?
Post a Comment