Monday, October 19, 2009

october 19 2009 abante tonite

Lady solon nagpatintero sa interbyu
(Rey Marfil)

Kung nagkataong nasa hurisdiksyon ng bayaning isinusuka ng mga sidewalk vendor na si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Ba yani Fernando ang session hall ng Kongreso, sangkatutak ang violations ng isang lady solon.

Ang rason, nakipag-patintero sa mga reporter ang matapobreng lady solon dahil sa hangaring mainterbyu tungkol sa iniimbestigahang eskandalo ng Kongreso, animo’y napakahalaga ng kanyang sasabihin o sound bite sa telebisyon.

Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano pagtawanan ng mga reporter ang lady solon, katulad ang alegasyong makakasuhan ng jaywalking dahil kung anu-anong gimik ang ginawa sa session hall para lamang mapansin ng mga mediamen ito.

Kahit iniiwasan ng mga reporter at itinuturing lamang na ‘hanging dumaan’ ang lady solon, halos harangan ng mambabatas ang lahat ng puwedeng daanan para mapansin at mai-interbyu ito.

Pagkatapos ng public hearing, animo’y nakikipag-patintero palabas ng committee room ang matapobreng lady solon, kalakip ang hangaring mapansin at mapuwersang makunan ng sound bite tungkol sa iniimbestiga hang eskandalo.

Maliban dito, pa-simple pang lumalapit ang lady solon sa nag-uumpukang reporter, animo’y nakikiramdam kung hihingan ng sound bite lalo pa’t mismong mambabatas ang principal author ng iniimbestiga hang eskandalo.

Kung susuriin ang sitwasyon ng lady solon, nakakaawang tingnan dahil habang pinagkakaguluhan ng mediamen ang mga kasama hang mambabatas at halos magkaubusan ng battery ang mga camera at tape recorder sa interbyu, isang malaking miron lamang ang papel ng kumag sa ‘di kalayuan, kasama ang mga staff.

Ang nakakatawa lamang ay umuwing luhaan ang ambisyosang lady solon dahil kahit isang reporter, hindi nagtangkang lumapit at kausapin ito, as in dinidedma lamang sa isang tabi ang kumag kahit panay ang pagpapa-cute o pagpaparamdam ng mga tauhan na puwedeng ma-interbyu ang kanilang MAM.

Clue: Hindi na nga makaangat sa re-election bid survey, nag-aambisyon pang makasungkit ng mas mataas na posisyon ang matapobreng lady solon. Kung senadora o Congresswoman, ito’y meron letrang M, as in Matapobre dahil ‘patay-gutom’ ang turing sa media na nagko-cover sa kinabibilangang chamber. (mgakurimaw.blogspot.com)

1 comment:

Anonymous said...

sir, matagal ko na kayong binabasa. enjoy naman ako sa column ninyo. nagtataka lang ako kung bakit gigil na gigil kayo sa galit ninyo kay senadora.

sa dami ng inyong nalalaman na kailangang i-expose, bakit ninyo sinasayang ang papel sa ganitong maliit at walang kwenta na bagay?