Saturday, October 17, 2009

october 17 2009 abante tonite

Session nilubog sa tubig-laway ng solon
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang mahirap ituwid ang matandang sanga, sadyang walang kupas sa kadaldalan ang isang miyembro ng Kongreso dahil muntikan pang abutan ng panibagong kalamidad bago naaprubahan ang P12 bil yong calamity fund at nalubog sa ‘tubig-laway’ ang session hall.

Bago naaprubahan ang P12 bilyong supplemental budget ipinagkaloob ng Kongreso bilang bahagi ng rekonstruksyon at reha bilitasyon sa mga imprastrakturang winasak ng magka-tropang Pepeng at Ondoy, gumawa ng eksena sa session hall ang daldalerong solon.

Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano nang-agaw eksena ang daldalerong solon habang tinatalakay sa floor ang P12 bilyong supplemental budget o calamity fund, katulad ang pag-astang ‘Boy Bida’.

Dahil kapakanan ng mga tinamaan o sinalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng ang P12 bilyong calamity fund ipinagkaloob ng Kongreso, halos walang kumontra sa proposed measureas, simula sa first reading hanggang 2nd reading.

Maging ang ilang ambisyosong pulitikong nagdadalawang isip sumuporta sa proposed measures dahil maaring gamitin ng presidential bet ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pamumulitika ang P12 bilyong calamity fund, ito’y nagbago ng isip, as in hindi nagawa pang mag-ingay sa floor dahil kapakanan at interes ng mga biktima ng kalamidad ang nasa isipan ng mga ito.

Sa simula, hindi nag-ingay ang daldalerong solon, as in tahimik sa kanyang upuan nang isalang sa 1st reading at 2nd reading subalit ikinagulat ng mga ka-tropang mambabatas, sampu ng naglipanang kurimaw sa session hall nang biglaang tumayo ang una, sabay astang-Boy Bida.

Halos kahalating oras nagdaldal ang solon sa floor at kung anu-anong pagbubuhat ng bangko ang ipinangangalandakan, kabilang ang pagkukumpara sa kanyang sarili, partikular ang mga achievement at performance nito.

Sa haba ng paghu-homilya, naging biruan ng mga kasamahang solon, maging mediamen nagko-cover sa Kongreso na posibleng abutin ng panibagong kalamidad o maabutan ng dalawa pang bagyo, hindi pa rin ma-aaprubahan ang P12 bilyong calamity fund.

Maliban dito, naging biruan din ang senaryong ma-doble o pumalo sa P24 bilyon dahil maaring bahain ang session hall, hindi sa tubig-baha mula sa iba’t ibang dam o kaya’y putik kundi sa dami ng laway pinakakawalan nito.

Clue: Nag-aambisyong makarating sa palasyo ng daldalerong solon subalit napakalayo sa katotohanan, patunay ang mahinang rating sa survey. Kung senador o gabinete, ito’y mas kilalang “Mulaway”. (mgakurimaw.blogspot.com)

2 comments:

mgakurimaw said...

hula nyo

Anonymous said...

kilala ko yan bossing!

louie-kusina girl