Thursday, June 17, 2010

Hunyo 17 2010 Abante Tonite

Nahiya si Mang Efraim!
Rey Marfil


Sa wakas, tinamaan ng hiya si Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) chief Efraim Genuino -- ito’y nag-vo­luntary exit kahit binigyan ng karagdagang ‘one-year contract’ ng misis ni Jose Pidal sa “lucrative house”. Ang malaking tanong, meron pa bang natira sa Pagcor, aba’y nakakapanginig ng kalamnan ang exposé ni Ted Failon sa programang ‘Failon Ngayon’, katulad ang alegasyong na-covert bilang campaign fund ng ilang kapamilya at nagamit sa personal ang pondo.

Kaya’t huwag ikagulat kung mapapakamot ng ulo si inco­ming chairman Bong Naguiat kapag nakitang baon sa utang ang Pagcor at hindi nababayaran ang benepisyo ng mga empleyado, maging ang naiwang ‘landmines contract’ ni Genui­no sa operasyon ng mga casino at iba pang uri ng pasugalan.


Sa report, nagsumite ng resignation si Genuino nakaraang May 28 at natanggap ni Mrs. Arroyo noong June 1, nanga­ngahulugang naalarma sa kaliwa’t kanang pagbatikos kaya’t tinabla ang premyong ipinagkaloob ng kanyang ‘Mahal na Pangulo’ noong March 9, isang araw bago ang constitutional ban sa midnight appointments na ipinapatupad, simula March 10.

Kung ‘di nagkakamali ang Spy, naganap ang ‘midnight oath-taking’ ni Genuino kay Judge Caroline Rivera-Colasito ng Manila Regional Trial Court’s Branch 23, kasama ang apat pang Pagcor board members -- sina Rafael Francisco, Philip Lo, Manuel C. Roxas at Ester Alano Laconico-Feria.

Kaya’t mas makabubuting mag-alsa balutan ang apat pang kasamahan at sabayan sa paghahakot ng gamit si Genuino kesa magmukhang ‘ganid’ sa kapangyarihan. Paalala lang: huwag isasama ang nakalistang “Pagcor property” dahil “pagpa-piano” sa presinto ang ending ng istorya.


Lingid sa kaalaman ng nakakaraming Pinoy, tumakbong alkalde ng Makati ang anak ni Mang Efraim -- si Win Ge­nuino, kalaban ang anak ni Vice President-elect Jejomar Binay -- si Makati Mayor-elect Junjun Binay.

Take note: se­cond attempt ng mag-amang Genuino ang pagsali ngayong eleksyon at kahit inilampaso noong 2007 elections, humirit ng rematch ito, maliban kung ginagawang negosyo ang pagtakbo para makapagpalabas ng pondo ang Pagcor?
***


Napag-usapan si Mang Efraim, isa pang anak -- si She­ryl Genuino-See ang first nominee sa binuong partylist group -- ang Batang Iwas Droga (BIDA). Hindi ba’t nagpa-rally ng libu-libong kabataan sa Luneta pero nagreklamo ang mga magulang dahil nagkasakit ang kanilang anak, maging may-ari ng inarkilang bus, umangal dahil hindi nabayaran?Sadyang marunong ang Lumikha, aba’y ‘olats’ ngayong eleksyon ang lahat ng anak.

At kapag nagsimulang manungkulan si President-elect Noynoy ‘P-Noy’ Aquino, asahang may kalalagyan ang lahat ng salaping winaldas lalo pa’t tinaguriang 3rd biggest revenue-earning agencies ang Pagcor subalit hindi maramdaman ng mga Pinoy, ka­baliktaran sa laman ng infomercial ni Mrs. Arroyo.


At nakaraang linggo, naispatan pang kasama ni Mang Efraim naglalamyerda si Steve Wynn, may-ari ng pinakamala­king pasugalan sa Macau at Las Vegas sa isang ‘casino resort’, maging ang isa pang Japanese casino owner (Okuda).

Hindi lang malinaw kung anong pinagkakaabalahan at misyon ng tatlo subalit malinaw ang timbre ng mga kurimaw, mara­ming bodyguard ang nakabuntot kay Genuino, animo’y miyembro ng First Family.

Anyway, isa pang sakit ng ulo ni Genuino ang mga mala-IMAX na LCD monitor ng Pagcor, aba’y nawawala at meron isang empleyado ang nakakakuha ng vi­deo footage -- dito magkakaalaman kung sino ang ‘tumira’ ng pinakamagara, pinakamahal at pinakamalaking LCD set-up sa buong Pilipinas.

Sana’y maagang mahanap ni Genuino, malay n’yo naikabit lang sa kuwarto ng kanyang katulong. Kung ‘na-misplace’ ni Genuino ang tatlong mala-IMAX LCD monitor, panibagong kaso ang kahaharapin kung nalagyan ng ‘Pagcor pro­perty sticke­r’ ito.


(mgakurimaw.blogspot.com)

2 comments:

angel said...

Sana makulong yang si Ephraim Genuino na yan. Pati mga ari-arian at mga businesses niya ay dapat ma-confiscate ng gobyerno dahil na-acquired niya ito sa pera ng Pagcor. At sana pakiusap namin kay President Noynoy na makabalik ang mga employees na tinaggal nina Genuino dahil lumaban at hindi sumunod sa maling gawain nila.

jasonbob said...

supreme new york
golden goose outlet
paul george shoes
golden goose
retro jordans
off white
yeezy boost 350 v2
stone island hoodie
yeezy 350
bape clothing