Sunday, June 13, 2010

hunyo 13 2010 Abante Tonite

Bakit natalo si Ta-Ermits?
Rey Marfil


Hanggang ngayon, ma ra mi pa rin ang nagtataka kung bakit at paano natalong Congressman ang isang dating mataas na opis yal ng pamahalaan-si ex-Executive Secretary Eduardo Ermita, ang itinuturing na “Little President” ng misis ni Jose Pidal.

Sa kaalaman ng publiko, tumakbong Congressman sa 1st district ng Bata ngas si Ermita, mas kila lang “Ta-ermits” sa tamba yan ng mga mediamen. Hindi lamang inilampaso kundi kumain ng alikabok kay Tom Apacible - isang dating Commissioner ng Bureau of Custom (BOC) at miyembro ng isang pamilyang matagal nang kaalitan sa pulitika ng mga Ermita sa Batangas.

Sa paningin ng mga kurimaw, sampu ng nagpapanday ng balisong sa Taal at manginginom ng gin sa Nasugbu, Batangas ang pagi ging “over confidence” ni Ermita ang malaking rason kung bakit sinawing-palad at umuwing lulugo-lugo nga­yong eleksyon. Take note: Bago itinalagang Executive Secretary ni Mrs. Arroyo, ito’y tatlong beses naupong Congressman ng Batangas at ilang taon din nai-cover ng Spy sa Lower House, as in isang ‘matandang tinale’ si Ta-ermits sa pulitika.

Hindi lang iyan, minsan pang tumakbong walang ka laban o unopposed si Ermita at dalawang beses pang pinakain ng alikabok ang mag-asawang Apacible - sina ex-Congressman Conrado Apacible noong 1992 at ex-Mayor Charito Apacible noong 1998. Noong 2001 election, halos hindi nagkakaiba ang sitwasyon, ang anak ni Ermita - siCongresswoman Eileen Ermita-Buhain ang pumalit at inilampaso si Charito Apacible, pinakahuli si Raymond Apacible (anak ni Charito) noong 2007.

Katulad ng kanyang ama, walang nakalaban si Congw. Eileen noong 2004 electio­n- ito ang huling termino bilang kinatawan ng 1st district. At ngayong eleksyon kung saan nakaparaming perang hawak si Ermita at mas malawak ang makinarya, animo’y naka-resbak ang pamilya Apacible, aba’y nadale si Ta-Ermits ni Mang Tomas. Kaya’t marami ang nagtatanong kung paano natalo gayong napakaraming proyekto at nilamangan ng 9 libong boto ni Mang Tomas sa Nasugbu. Take note: Wala pang sarsa niyan!

***

Napag-usapan ang Nasugbu, walang ibang nakinabang sa proyekto ni Ermita kundi si Mayor Antonio Barcelon - isa sa mga “eyes and ears” ni Ta-ermits. Nakaraang eleksyon, kuma lat ang alegasyong binuhusan ni Ermita ng campaign fund ang Nasugbu kaya’t nagtataka ang mga kurimaw kung paanong natalo habang nanalo si Barcelon kontra sa kandidato ng mga Apacible. Nang tanungin namin ang isang taga-Nasugbu, tanging nasabi nito’y “maaaring over-confident si ES” at naka-linya si Mang Tomas kay President-elect Noynoy “P-Noy” Aquino - ito’y kabaliktaran sa alegasyong ‘inilaglag’ si Ta-ermits ng sari ling tauhan, aba’y dumistansya si Mang Tomas ng 9,000 votes sa Nasugbu.

At ngayong nawala sa poder si Ermita, paano susugpuin ni Barcelon ang drug addiction, basura, drainage, air at water pollution mula sa mga pabrika, illegal fishing, illegal gambling, uncontrolled registration ng mga tricycles, mga vendor sa kalsada kung market day, sangkaterbang prostitution joints o “videoke houses”, maging ang pagdami ng squatter sa public beach at hindi malutas na kaso ng homicide at murder. Take note: Kung sa panahong kasangga si Ermita, walang magawa si Barcelon, ngayon pa kayang nabura ang sinasandalan sa MalacaƱang?
Sa kabuuan, ayokong isi ping nagsawa ang mga taga-Batangas sa panga lang Ermita, maliban kung seryosong alegasyon ang text messages na natanggap at sinasabing isang malapit kay Ta-ermits na mas malupit pa sa isang dating opisyal ng lalawigan na naging “gahaman” sa lupa ang nagmanipula. Ang taong ito, ayon sa mga text message ang itinuturong kumilos ng lingid sa kaalaman ni Ermita na naging ugali ang silipin ang mga lupaing walang titulo, partikular ang tourism deve­lopment areas sa mga tabing dagat at kabundukan ng Nasugbu.

Hindi lang iyan, meron pa umanong isang kamag-anak si Ermita na bagama’t taga-pribadong sektor, ito’y nakikialam sa mga gawain ng Bureau of Immigration ang isa pang itinuturong ‘nanlaglag’. Tandaan: Nakaupong director ng Immigration si Eric Buhain, asawa ni ex-Congw. Eileen, bakit hindi natunugan ang nangyaring ‘ahasan’. Maa ring malisyoso ang text messages at posibleng kagagawan ng mga kaaway ni Ermita subalit dapat suriing mabuti ang impormasyon dahil maaaring may katotohanan at makatulong sa paghahanap ng kasagutan kung bakit ito natalo.

(mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: