Wednesday, June 2, 2010

Hunyo 02 2010 Abante Tonite


Natalong kandidato, nagka-black eye

(Rey Marfil)


Hindi lang isang black eye kundi dobleng dagok ang inabot ng isang kilalang pulitiko matapos mabangasan ng mukha, ilang linggo makaraang matalo sa sinalihang halalan.


Sa halip kaawaan, hindi maitago ng mga kurimaw ang matawa, sa pangunguna ng TONITE Spy matapos makitang nagka-black eye ang natalong kandidato, animo’y dalawang sakit ng katawan ang natikman nito.

Ngayong eleksyon, hindi lamang simpleng pagkatalo ang naranasan ng natalong kandidato dahil inilampaso nang todo-todo ng mga nakatunggali nito, as in pinakain ng alika­bok at kakapiranggot ang nakuhang boto kumpara sa winning candidate.


Sa panahon ng kampanya, ni wala sa isipan ng natalong kandidato na mamalasin dahil sobrang bilib sa sarili na mananalo at kumpiyansang maaabot ang ina­ambisyon.


Kabaliktaran sa kanyang pangarap, abot-Central Luzon at Amerika ang kamalasan ng natalong kandidato kung kaya’t biglang nawala sa hulog at natahimik sa isang tabi ito.


Makalipas ang ilang linggo, biglang lumutang ang natalong kandidato at ikinagulat ng mediamen ang napakalaking pasa sa kaliwang mukha, animo’y nakipagboksing kay People’s Champ at Sarangani Congressman-elect Manny ‘Pacman’ Pacquiao.


Hindi simpleng pasa ang inabot ng natalong kandidato sa kaliwang pisngi kundi abot hanggang mata ang naiwang bakat sa pagmumukha, as in nalamog at nagka-black eye.


Hindi naman itinanggi ng natalong kandidato ang dobleng kamalasang natikman at inirasong nagpakabayani sa kanyang apo kaya’t nagkapasa sa mukha.


Napag-alamang ipinangsalo ng natalong kandidato ang kanyang mukha sa semento ng makitang babagsak ang kanyang apo kung kaya’t nagmukhang na-uppercut ni Pacman ito.


Clue: Isa sa solusyon ngayong El NiƱo ang kapabilidad ng natalong kandidato dahil bumabaha ng laway kapag nagkukuwento. Kung natalong senador o presidentiable, ito’y meron letrang “D” as in Dehins tumitigil sa pagsasalita kapag nakakakita ng mic­rophone. (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: