Friday, June 11, 2010

june 11 2010 abante

Mestisong solon naging maamong tuta

Kung anong bangis nu’ng nakaraang kampanya, nagmukhang “maamong tuta” ang isang miyembro ng Kongreso matapos dumalo sa proclamation rites ni President-elect Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.


Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban matapos makitang umamo ang isang mestisuhing solon sa proclamation rites, maging sa presidential canvassing, kabaliktaran nu’ng nakaraang kampanya.


Sa panahon ng kampanya, animo’y asong kalyeng nagwawala ang mestisuhing solon dahil naglalaway sa butong hawak ng kalaban, as in inuupakan ang katunggali ng kanyang amo kahit maling puno ang tinatahulan.


Personal ang lahat ng pag-atake ng mestisuhing solon kay Aquino at hindi makain ng kahit aso ang mga ipinupukol sa bagong Pangulo para lamang palakasin ang kanyang amo at ibagsak ang kredibilidad nito.


Sa proclamation, naiba ang takbo dahil mistulang maamong tuta ang mestisuhing solon na kakahog-kahog ang buntot sa loob ng session hall nang makitang papara­ting si Aquino, animo’y dumaan sa 1-month behavioral training ng mga aso.


Ang malupit sa lahat, nagawa pang kamayan at batiin ng mestisuhing solon si Aquino habang paakyat ng roastrum, animo’y walang nangyari at hindi man lamang sumagi sa isipan ang mga malisyosong akusasyon dito.


Pintahan n’yo na: Matakaw sa pera ang mestisuhing solon kaya’t sumama sa talunang presidentiable at numero unong traidor sa kaibigan, katulad sa ginawang pag-abandona sa kasamahang nakatulong sa kandidatura nito. Kung kongresista o senador, itoy meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Asal-kalye.


http://www.abante.com.ph/issue/june1110/kartada5.htm



No comments: