Tuesday, June 22, 2010

Hunyo 21 2010 Abante Tonite

Unsolicited kuno!
Rey Marfil


Habang papalapit ang pag-upo ni President-elect Noynoy ‘P-Noy’ Aquino, sangkaterba ang umaastang adviser, pinaka-latest si Tabako, aba’y ‘feeling-close’ ni ex-President Fidel Ramos kung magbigay ng payo.

Ang nakakatawa, hindi naman hihihingi ni Aquino ang payo ni Tabako, maliban kung meron inila-lobby na kamag-anakan o kaya’y ipiniprisinta ang sarili bilang ‘senior adviser’ kaya’t nagpaparam dam ito? Kung seryoso si Ramos sa pagpapayo, bakit kailangan pang ianunsyo gayong P1.00 lamang ang ikakaltas sa kanyang load kung iti-text si Aquino, as in ‘bengkong’ sa dami ng kontratang lumusot sa kanyang administrasyon.

Bago umastang ‘class adviser’ ni Aquino, unang dapat gawin ni Ramos, ito’y ang humarap sa salamin ni Tito Boy dahil nakakalimutan ang electoral protest ni Miriam Santiago noong 1992 elections. Kung hindi inakusahang nandaya ng misis ni presidential adviser Jun Santiago, maaari pang paniwalaan ng mga kurimaw ang ‘unsolicited advise’ ni Ramos.

I-flashback ang kasaysayan: Nagkabaun-baon sa utang at binabayaan ng gobyerno hanggang ngayon ang lahat ng power contract ng Ramos administration kaya’t nasaan ang karapatang magbigay ng payo kay Aquino?
At sa kauna-unahang pagkakataon, pinagbawalan ni presi dential spokesman Ricardo Saludo ang lahat ng GMA boys na magbigay ng unsolicited advise kay Aquino, as in natauhan sa kabalbalan ng pinagsasabi sa publiko.

Mantakin niyo, sa mahabang panahon, hindi pinapakinggan ng misis ni Jose Pidal ang payo ng mga concerned Pinoy, sampu ng mga taga-oposisyon at ngayong pa-exit, ito’y nagmamarunong sa kung anong dapat gawin ng bagong administras yon, animo’y henyo at malinis ang imahe ng kanilang amo.
***


Napag-uusapan ang ‘unsolicited advise’ ng GMA boys, kailan pa nakinig ang mga kampon ni Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo sa publiko, simula sa multi-bilyon pisong power contract na pinagkakitaan ni Dollar Man, as in ex-DOJ Sec. Hernando Perez sa pagitan ng Argentine firm, apat na araw makaraang mapatalsik si ex-President Joseph ‘Erap’ Estrada noong 2001, pinaka-latest ang midnight appointment at midnight fund release ni Mrs. Arroyo bago mag-March 10, hindi ba’t puno ng tutule ang tainga ng mga occupant sa presidential residence at premiere guest house?
Pagpapatunay kung gaano kabingi sa unsolicited advise si Mrs. Arroyo, ito’y makailang-beses pinayuhang huwag tumakbo noong 2004 election.

Anong nangyari, hindi ba’t nagawa pang dayain ang resulta ng election, kasapakat si ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcilano? At nasaan ang mga “Garci Generals”, nagpagamit sa pinakamalaking election fraud sa kasaysayan ng mundo, hindi ba’t ambassadorial post ang naging premyo? Hindi lang iyan, mas marami ang nabigyan ng cabinet post, sampu ng mga anak, asawa, balae, biyenan at kaapu-apuhan sa tuhod, pati nga katulong, manikurista at hardinero naging director!

Hindi lang bingi sa unsolicited advised si Mrs. Arroyo, kundi bulag sa lahat ng instruction mula sa nakakaraming Filipino, suriin ang komposisyon ng Lower House, hindi ba’t iisa ang apelyidong magkakatabi sa 1st row ngayong 14th Congress, maging sa pagpasok ng 15th Congress, as in puro Arroyo gayong ipinagbabawal ang political dynasty sa Konstitusyon. Ang nakakasuka sa lahat, kahit walang ka-experience magbatuta at mag-silbato, nagpakilala pang ‘kinatawan’ ng mga ‘civil force’ si Cong. Mikey Arroyo sa Kongreso, gamit ang isang partylist group at ipinagkaloob sa ina ang kanyang distrito.


Bago ginamit ng mga kampon ni Mrs. Arroyo ang ka tagang ‘unsolicited advise’ -- ito’y dapat binalangkas at binaybay ang bawat kataga para maintindihan ang kahulugan. Suriin ang pinagmulan ng katagang ‘unsolicited’, hindi ba’t ‘pera-pera’ at paghihingi ng donasyon, maliban kung sadyang nakahiligan ng mga galamay ni Mrs. Arroyo ang ‘manghingi’ kaya’t marami ang yumaman at nag-uumapaw ang mga naitagong garapon.


(mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: