Friday, June 4, 2010

june 4 2010 abante

Natalong kandidato, nabaon sa utang

Hindi lang dobleng black eye ang inabot ng isang natalong kandidato matapos magkabaun-baon sa utang at posibleng mailit ng bangko ang mga ari-arian kapag sumablay sa pagbabayad.


Hindi maiwasang maawa ni Mang Teban sa sinapit ng natalong kandidato dahil nabaon sa utang, hindi katulad ng ilang senatoriables at vice presidentiable na naging campaign slogan ang katagang “talo na, kumita pa”.


Noong nakaraang kampanya, ayaw pautangin ng kilalang bangko ang natalong kandidato kung kaya’t naghanap ng padrino sa katauhan ng isang maimpluwensyang nilalang sa MalacaƱang dahil untouchable at bagyo ang arrive.


http://www.abante.com.ph/issue/june0410/kartada5.htm


Dahil maimpluwensya ang tumayong padrino, pinayagan ng bangko na pautangin ng P5 bilyon ang natalong kandidato, kalakip ang kondisyong babayaran kapag natalo.


Kung nanalo ang natalong kandidato, naging kondis­yon naman ng maimpluwensyang nilalang sa MalacaƱang na “tablado” ang kanyang utang dahil gobyerno ang kakargo rito.


Dahil natalo, sumasakit ngayon ang ulo ng natalong kandidato kung paano babayaran ang P5 bilyong inutang sa bangko dahil naka-collateral ang mga ari-arian sakaling sumalto sa buwanang responsibilidad o hindi makapagbayad ito.


Pintahan n’yo na: Isa sa pinakamaginoo ngayong canvassing ang natalong kandidato. Kung tumakbo sa presidential o vice presidential race, ito’y meron letrang “A” sa apelyido, as in Ang lihis na landas.

No comments: