“I do solemnly swear that I will faithfully and conscientiously fulfill my duties as President of the Philippines, preserve and defend its Constitution, execute its laws, do justice to every man, and consecrate myself to the service of the Nation.
So help me God” -- ito ang makasaysayan at kauna-unahang katagang bibigkasin ng isang taong hindi kailanman nangarap maging Pangulo ng bansa ngayong alas-12:00 ng tanghali, alinsunod sa Article 7, Section 5 ng Philippine Constitution.
Sa nagtatanong at nagtataka kung bakit Quirino Grandstand ang venue ng inauguration rites at bakit kailangan pang sunduin sa Malacañang si Mrs. Gloria Arroyo, ito’y naging tradisyon sa mahabang panahon, kabilang ang pagkaloob ng arrival honors kay President Benigno Simeon ‘P-Noy’ Aquino III at sabay na sasakay sa presidential car, gamit ang No. 1 plate patungong Quirino Grandstand.
Kahit labag sa kalooban ni Aquino, isang ‘symbolic shakes hands’ ang magaganap sa harap ng publiko, kasunod ang pagsakay ni Mrs. Arroyo sa private car, palabas ng Quirino Grandstand.
Pagkaalis ni Mrs. Arroyo, sisimulan ang programa sa inauguration rites at pinaka-highlights ang panunumpa ni Aquino kay Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales, kasama ang barangay captain ng Tarlac bilang ‘bible bearer.’
Sa kaalaman ng publiko, nagsimula ang tradisyong sinusundo ang outgoing President at hinahatid sa Qurino Grandstand ang newly-elected President, sa panahon ni ex-President Fidel Ramos noong June 30, 1992, ito’y sinundan ni ex-President Joseph Estrada noong June 30, 1998 na kamuntikan pang nabagsakan ng chandelier at ikatlo si Aquino bilang 15th President.
Take note: Sina Estrada at Mrs. Arroyo ang namumukod tanging Presidente, simula ng manumbalik ang demokrasya sa Pilipinas ang hindi sumunod sa tradisyon.
***
Napag-uusapan ang oath-taking, bilang pagpugay kay Aquino, ito’y pagkakalooban ng 21-gun salute kapag nakapanumpa bilang bagong Pangulo, kasabay ang pagtugtog ng presidential anthem “We Say Mabuhay”.
Makaraan ang inaugural speech, balik sa Malacañang si Aquino na sumisimbulo sa pagiging ‘new tenant’ ng Palasyo.
At sa
unang araw, magaganap din ang kauna-unahang cabinet meeting.
Sa kaalaman ng publiko, naging tradisyon na mauunang manumpa ang Vice President, subalit sa panahon ni Manuel Quezon, lolo ni inauguration spokesman Manolo Quezon, nauna ang Pangulo, kasunod ang Vice President nito.
Balikan ang mga naisulat ni Gregorio Zaide na sobrang layo sa apong si IBC-13 reporter Jeffrey Zaide, magkakaiba ang mga petsa ng inauguration rites -- ito’y binago sa ilalim ng 1987 Constitution.
Sa panahon ni Emilio Aguinaldo, nagkaroon ng oath-taking noong January 23, 1899 at lahat ng naupong Pangulo sa ilalim ng 1935 Constitution ay naging katanghalian ng December 30 ang panunumpa.
Si Manuel Quezon, magkaiba ang petsa ng dalawang
inauguration rites, una noong November 15, 1935 at December 30, 1941. Tanging sumunod sa December 30 -- sina President Elpidio Quirino (1949), Ramon Magsaysay (1953), Carlos P. Garcia (1957), Diosdado Macapagal (1961) at Ferdinand E. Marcos (1965 at 1969).
Nasusulat at nababasa din sa kasaysayan na dalawang Presidente, sa ilalim ng 1935 Constitution ang magkaiba ang petsa ng inauguration rites -- sina President Sergio Osmeña (August 1, 1944) at Manuel Roxas (May 28, 1946).
Take note: Nanumpa si Osmena sa Washington D.C. sa harap Robert H. Jackson. Sa ikatlong termino ni Marcos, unang nabago ang petsa (June 12, 1978) at naging June 30 ang
inauguration noong 1981.
Hindi man nakapanumpa si President Corazon Aquino noong June 30, 1986 dahil napaaga ng ilang buwan (February 25, 1986), ito’y nakangiti sa kanyang kinaroroonan dahil ngayong araw ang ‘big day’ ng anak at naranasan ni P-Noy ang manumpa ng June 30 sa Luneta Park.
(mgakurimaw.blogspot.com)
1 comment:
ugg boots on sale
Maybe you've a cabinet full of outfits you don put on, but would in case you sorted as a result of them to see that which was actually readily available. A few hours within the end of the week will eliminate most closets. Working throughout the wardrobe attains a pair of things, it increases your wearable clothing and clears your unnecessary apparel persons to put on. Commit a day and donate your results to great will.
kcpj [url=http://www.bootswould.com]cheap ugg[/url]
The initial collection this retail store presents causes it to become your go-to set for a casual or possibly a more upscale look. A number of labels are highlighted, for instance Tribal, Erika Megastars plus the newly added Free People. The shop is organized inside a specialist location featuring Notara Bradley, Brighton extras, Neglect Me jean material and also a part corner loaded with an array of TOMS footwear and Ugg boots. New styles occur regular, for example the smartly designed TOMS wedges. Discounted now are slip and winter weather looks from a variety of brands, as much as 75Per-cent off of.
ugg boots for sale
uggs shoes and boots will probably be your kids' favorites
Post a Comment