Saturday, June 12, 2010

june 12 2010 abante tonite

Lady solon hinimas sa session hall

(Rey Marfil)


Lumabas ang pagi­ging “matulis” ng isang biyudong miyembro ng Kongreso matapos harapang hipuan at himasin ang kauring mambabatas sa proclamation rites ni President-elect Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III (P-Noy) sa Batasan Complex.


Harapang nasaksihan ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy kung paano umastang ‘Boy Fatigue’ ang biyudong solon matapos himas-himasin ang kurbadang katawan ng lady solon.

Sa kabilang banda, wala namang masama kung ma-in love at pagkainteresan ng biyudong solon ang lady solon dahil hiwalay sa asawa ang bebot kahit pa merong dalawang anak ito.

Dalawang babae ang anak ng lady solon, as in single mother, habang meron nang pulitikong anak ang biyudong solon, as in ilang taon nang balo at makailang-beses nasangkot sa pakikipagrelasyon, kabilang ang kilalang personalidad na kasamahan sa konseho.

Sa nangyaring proclamation rites, pasimpleng nilapitan at nakipagbeso-beso ang biyudong solon sa lady solon kung saan ilang minutong nagkuwentuhan sa session hall.

Ang ikinagulat ng mga kurimaw, pasimpleng inilagay ng biyudong solon ang kanang kamay o palad sa kurbada ng katawan ng lady solon, sabay himas ng pataas-pababa kung saan halos tumagal ng tatlong minuto.

Hindi simpleng pag-akbay ang ginawa ng biyudong solon kundi hinapit ang bawat haplos sa katawan ng lady solon, animo’y ninanamnam ang bawat hibla ng mahawakan nito.

Kaagad namang na­ramdaman ng lady solon a­ng pananatsing ng biyudong solon, animo’y nagpapatigas ang mokong kung kaya’t pasimpleng kinuha ng bebot ang kamay o palad para alisin sa maselang bahagi ng likuran nito.

Kinuha ng lady solon ang kamay ng biyudong solon at mahigpit na hinawakan sa harapan upang makaiwas sa panghihipo habang magkausap sa loob ng session hall ang mga ito.

Kahit inilagay ng lady solon ang kamay ng biyudong solon sa harapan at mahigpit ang pagkakahawak dito, panay himas pa rin ang kelot sa kanyang kamay.

Clue: Nagretiro sa kasalukuyang puwesto ang biyudong solon kung at nagpamiyembro sa Kongreso at pinatakbo ang anak sa isang mahalagang posisyon bilang kapalit habang promotor ng political dynasty ang lady solon at merong utol na mahilig tumahol. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/june1210/hulaan_blues.htm


No comments: