Monday, June 14, 2010

Hunyo 14 2010 Abante Tonite

Aktor at alkalde nagsalo sa isang kandungan

(Rey Marfil)


Kung merong pinaka-professional sa lahat ng mga professional, walang tatalo sa isang aktor at alkalde kung pagiging “sports” sa pagkikipagrelasyon ang pag-uusapan matapos magsalo sa isang pinggan.

Ang rason, nagsama pang dumalo sa kampanya ang aktor at alkalde kung saan lumalabas pang “close” ang dalawa, animo’y hindi nagkaagawan ng asawa at nagsalo sa iisang kandungan.


Nasaksihan ng TONITE Spy sa kabuuan ng campaign sorties ng isang presidentiable kung gaano ka-professional ang aktor kapag pinag-uusapan ang pakikipagrelasyon dahil pikit-matang pinababayaan ang misis nitong makatampisaw ng alkalde.


Iisa ang partidong sinamahan ng alkalde at aktor ngayong eleksyon kung saan hindi maiwasang magkasama sa kampanya, maging ang babaing minahal ng mga ito.


Naging asawa ng aktor sa mahabang panahon ang ba­gong karelasyon ng alkalde, patunay ang pagkakaroon ng da­lawang anak, hindi pa kabilang ang pa­nganay ng bebot sa dating karelasyong aktor.


Hiniwalayan ng aktor ang kanyang misis matapos ma-involve sa alkalde na matagal nang meron matinding pagnanasa sa bebot, hindi pa man nagkakagulo ang relasyon ng mag-asawa at naging local official ito.


Nang hiwalayan ng aktor ang kanyang misis, mabilis ding sinalo ng alkalde ang bebot at itinuring na lehitimong asawa, maliban sa legal na misis nito.


Nu’ng nakaraang eleksyon, hindi maiwasang magsama sa iisang partido at kampanya ang tatlo matapos kunin ang serbisyo ng aktor bilang isa sa magsisilbing taga­bigay aliw sa campaign sorties.


Ang nakakatawa lamang, nakatingin lahat ng mga mata sa aktor at alkalde kapag nagkakasama sa kampanya dahil iisang babae ang kanilang pinagsaluhan.


Maliban dito, sumasama rin sa campaign sorties ang misis ng aktor at akay-akay ng alkalde kung kaya’t panay ang bulungan ng mga kurimaw kapag nakikitang nagpaplastikan ang bawat isa.


Isa pang nakakatawang eksena, isinasama rin ng aktor ang bagong karelasyon sa campaign sorties at mistulang “alalay” at bantay kung kaya’t naging biruan na nauuwi sa “foursome”, as in double date kapag isinasama ng alkalde ang lehitimong misis ng aktor.


Clue: Nalaos ang aktor kaya’t pa-extra-extra ang role ngayon at nawalan ng kita kaya’t sumama kay mayor ang misis nito. Kung taga-Metro Manila si ma­yor, ito’y nagpapakilalang kamukha ni Tommy Abuel gayong mas kahawig ni defeated vice presidential bet Jay Sonza.

(mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: