Monday, June 7, 2010

Hunyo 07 2010 Abante Tonite

Graduating lady solon, humihirit ng ekstensyon
(Rey Marfil)

Hindi lamang “one of a kind” bagkus pang-Guinness Book of Records ang pagkakaroon ng sapak sa ulo ng isang graduating lady solon matapos humirit ng extension sa term of office nito.


Halos maglupasay sa katatawa ang mga naglipanang kurimaw sa session hall, sa pangunguna ng TONITE Spy matapos mabalitaang nagpapa-extend ng termino ang isang graduating lady solon gayong limitado ang taon ng kanilang paninilbihan, alinsunod sa Saligang Batas.


Sa kaalaman ng publiko, limitado lamang ang termino ng isang deputado o mambabatas at kapag napaso ang termino, ito’y hindi kailangan pang palawigin, hindi katulad ng madalas ginagawa sa ilang presidential appointees kapag kakampi ang nahahalal sa MalacaƱang.


Sa pag-aakalang presidential appointee at hindi elective position ang tinakbuhan, pinapa-extend ng graduating lady solon ang kanyang termino ng anim na buwan, animo’y nainggit kay Philippine National Police (PNP) Chief Jesus Verzosa matapos mabalitaang palalawigin ni incoming President Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III ang termino hanggang magretiro sa katapusan ng taon.


Mas lalo pang pinag-usapan sa bawat sulok ng hallway at session hall ng Kongreso ang pagkakaroon ng “amats” o sapak sa ulo ng graduating lady solon dahil malinaw sa batas na hanggang Hunyo 30 ang termino nito.


Ang matinding revelation sa lahat, ayaw lisanin ng graduating lady solon ang inookupang opisina, as in nagmamatigas na lumayas at iligpit ang mga kalat dahil sa paniwalang puwede pang palawigin ng nakaupong “bossing” ng Kongreso ang kanyang termino.


Halos lahat ng natalong kandidato at kasamahang mambabatas na ga-graduate ngayong Hunyo 30, ito’y nag-alsa balutan na at mabibilang sa daliri ang mga kagamitang naiwan sa kanilang opisina, kabaliktaran sa ginagawa ng graduating lady solon.


Kahit anong pakiusap ng mga staff na simulan ang pagliligpit ng mga kagamitan, ayaw makinig ng gra­duating lady solon at pinagagalitan ang mga tauhan dahil paniwalang mabibigyan ng term extension hanggang 6 months.


Maging staff ng graduating lady solon, hindi maitago ang matinding kahihiyang inaabot sa kamay ng mga kauring empleyado mula sa iba’t ibang tanggapan ng mga mambabatas dahil kapit-tuko sa puwesto ang kanilang amo at paniwalang meron pang pag-asang mapalawig ang termino nito.


Sa tindi ng kahihiyang inabot ng mga staff, ilan dito’y hindi maiwasang maiyak kapag nakakakuwentuhan ang mga kaibigan dahil hindi “makawala” sa poder ng graduating lady solon matapos pagbantaang sasaulalain ang kanilang clearance.


Clue: Pakalat-kalat sa Batasan Complex ang gradua­ting lady solon ngayong canvassing at pilit gumagawa ng eksena sa bilangan. Kung senadora o congresswoman, ito’y maraming letrang “A” sa pangalan, as in Ang tindi ng Amats kaya’t iniiwanan ng mga staff kahit mataas magbigay ng monthly allowance at maraming salapi ang pamilya.

(mgakurimaw.blogspot.com)

1 comment:

Anonymous said...

Si Jamboy to! hahaha...